PAG-DUDUDA NI INDIRA

611 90 712
                                    

Chapter XXVII: Pag-dududa Ni Indira

Dahil sa labis na pagkagulat at kaba ay mabilis na inihawak ni Samira ang kanyang kanang kamay sa balabal na nasa kanyang mukha at bahagya pa itong itinaas upang kahit papaano'y matakpan ang kanyang mga mata.

"Depetarba! Nakita n'ya kaya ang aking mga mata?" Nangangambang sabi ni Samira sa sarili

Lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ni Samira nang sandaling magsalita ang nilalang.

"Sandali lamang..." Wika nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Samira

"A-ano ang iyong kailangan?" Kinakabahang sagot ni Samira ng hindi nililingon ang nilalang

"Sa iyo ang bagay na ito, hindi ba?" Tanong ng nilalang at iniabot sa nakatalikod na si Samira ang punyal na kanyang binili sa kalakalan. "Nakita kong nahulog ito mula sa iyong sisidlan habang ika'y tumatakbo."

Upang makita ang bagay na iniaabot ng nilalang ay kinailangan ni Samirang lingunin ito kung kaya ipinikit niya ang kaliwa niyang mata. Hindi niya direktang tiningnan sa mukha ang nilalang at nakababa lamang ang kanyang tingin sa bagay na iniaabot nito.

Sa pag harap ni Samira ay muling nagsalita ang nilalang. "Tama ako, hindi ba? Sa iyo ang punyal na ito." Ulit nito

Tumango si Samira.

Nang aabutin na niya ang punyal ay nabaling ang kanyang tingin sa braso ng nilalang.

"Ang kanyang balat..." Nagulat na sabi nito sa sarili. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang tingin at doo'y tumambad sa kanya ang kumikinang na kulay mapusyaw na bughaw na papak ni Maraha at ang kumikislap na mga kaliskis  nito sa katawan na nasisinagan ng araw. "Enadiwa... Dugong bughaw na Enadiwa?" Nagtatakang sambit nito. "Siya ang enadiwang nasa ere kanina... S'ya na ba ang kapatid ni Selebos?"

Napakunot ang noo ni Maraha sa ginawang iyon ni Samira ngunit agad na nabaling ang kanyang atensyon sa nakapikit na mata nito na agad niyang ipinag-alala.

"Ayos ka lamang ba? Ang iyong mata---" Naputol na sabi ni Maraha nang iiwas ni Samira ang kanyang mukha na noo'y hahawakan sana ni Maraha

"A-ayos lamang ako..." Sabi ni Samira na inaayos ang balabal sa mukha. "Maraming s-salamat." Sabi nito sabay talikod kay Maraha at mabilis na patakbong lumayo

Nakatayong naiwan si Maraha habang pinagmamasdan palayo si Samira.

"Ayos lang kaya talaga siya?... Kamangha-mangha... Tila hindi siya nagulat sa aking itsura." Nakangiting sabi ni Maraha sa sarili dahil bihira lamang siyang makaranas na makita ng ibang nilalang na hindi nagugulat at nagkukumento sa kanyang itsura

Matapos iyon ay muli nang bumalik si Maraha sa pook kalakalan upang ipagpatuloy ang pagtulong sa ibang mga nilalang.

Patakbo na kung maglakad si Samira dahil sa pangambang baka may iba pang nilalang ang makakita at sumunod sa kanya.

"Wala naman sigurong nakakita sa aking mga mata... Maliban sa paslit na iyon." Sambit ni Samira sa sarili

--------------------

Habang naglalakad sina Selebos ay hindi maalis sa isip ni Araya si Moukib at ang nangyaring paglalaro sa kanila ng Puno ng Hilwaru.

Bumabalik sa isipan niya ang mga kuwento sa kanila ng kanyang ama noon tungkol sa punong iyon.

"Bakit kaya kami napiling paglaruan ng punong iyon?" Mahinang sabi ni Araya sa sarili

Napatingin sa kanya si Selebos sapagkat kahit na mahina ang pagkakasambit ni Araya ay narinig pa rin niya ito.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon