Chapter XVI: Ang Muling Pananalakay
Hinawakan ko ang aking kanang binti dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Namangha ako dahil ito ang unang pagkakataon na nakita kong malinis at walang balat ang aking binti.
Hindi ko na naituloy pa ang aking paghuhubad at paglilinis ng katawan. Muli kong isinuot ang aking mga damit at patakbong lumabas ng palikuran.
Naupo ako sa upuan malapit sa pabilog na lamesa sa aking silid. "Seryoso? Seryoso talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Mabilis kong hinila pababa ang manggas ng aking pang-itaas upang tingnan ang aking balat sa braso. "Meron... Nandito..."
Mula sa aking pagkakaupo ay yumuko ako at binanat pataas ang aking kasuotang pambaba na nagtatakip sa aking kanang binti. Laking gulat ko nang makita kong muli ang aking marka. Mariin kong ikinurap ang aking mata upang mas makita ko ito ng mabuti. Ngunit sa aking pagdilat ay nakita ko pa rin doon ang balat.
"Marahil ay namalik-mata lamang ako..." Malungkot na sabi ko at binitawan ang aking kasuotang pambaba. Walang gana akong sumandal sa upuan at tumingala. "Iba rin talaga ang pagod na dulot ng pag-eensayo dito... Parang drugs, nakaka-hallucinate."
Hindi ko alam kung mali ba na namag-asa pa ako sa aking nakita. Mangyaring matagal ko na talagang minimithi na mawala ang mga balat na ito upang hindi ko na kailangang magsuot ng mga damit na balot na balot ako. At higit sa lahat, upang hindi na ako tuksuhin at pagtawanan ng ibang tao.
Sadya yatang habang buhay nang nasa akin ang mga marakang ito.
Bumalik ako sa palikuran at nilinis ang sarili. Matapos iyon ay naghanda na ako sa aking pamamahinga.
Sa aking paghiga ay 'di ko maiwasang maisip ang pakiramdam noong nakita kong walang balat ang aking binti. Kahit pa paulit ulit na sinasabi sa akin noon ni mama na kailangan kong tanggapin at mahalin ang aking sarili'y sa kaibuturan ng aking kalooban ay ninanais ko pa ring mawala ang mga balat na ito sa aking katawan.
*END OF POV*
--------------------
Tumayo si Erasmus sa kanyang pagkakaupo, tumalikod at humakbang ng tatlo palayo sa lamesa kung saan nakaupo si Waniru.
Napakaraming ideya ang naglalaro sa isipan niya. Patuloy ang pagtatalo ng kanyang isip kung sasabihin niya ba ang suliraning kanyang pinagdadaanan maging ang palaisipang kinakaharap ng mga Igaduwe o hindi na muna.
"W-wala naman i-ito, kaibigan." Mautal utal na sabi nito na nakatalikod pa rin kay Waniru
Napangisi si Waniru sa kanyang narinig mula sa bibig ni Erasmus. "Kaibigan?... Hindi naman yata ako maniniwala sa iyong sinambit na wala lamang ito..." Nag-aalinlangang sagot nito
Humarap si Erasmus kay Waniru at muling nagsalita. "Ito lamang ang aking libangan dito, kaibigan... M-malamang ay marami akong magagawang mga bagay... At isa pa---"
"Erasmus, kung natatandaan mo, kamakailan lamang ay dumalaw ako sa'yo dito at wala naman akong nakitang ganito karaming sandata at mga patibong... Ano ba ang nangyayari?" Tila naiinis na sabi ni Waniru ng nakapatong ang nakakuyom na kanang kamay sa lamesa
Ramdam ni Erasmus ang pagtulo ng malamig na pawis sa kanyang likuran. Nauubusan na siya ng mga dahilan na maaaring sabihin at paniwalaan ni Waniru.
"Kaibigan?" Tawag ni Waniru sa nakatulala nang si Erasmus
Parang nabuhusan ng tubig si Erasmus at tila nagising ang utak. "W-waniru..."
"Sagutin mo ang aking katanungan kaibigan... May nagaganap bang hindi ko nalalaman?" Muling tanong ni Waniru sa nakatayong si Erasmus
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...