Chapter VII: Takot At Kaba
*CALISTIN's POV*
Kahit halos mag-uumaga na ako nakatulog ay maaga pa rin akong nagising. Tulad ng araw-araw kong ginagawa, agad kong iniligay ang contact lenses sa aking mga mata. Inayos ko ang aking sarili at agad na lumabas upang hanapin si Erasmus.
Paglabas ko sa harap na pintuan ng palasyo nakita ko agad ang napakaraming Amasdirig na nagtutulong tulong na ipagpatuloy ang mga gawaing hindi natapos kahapon.
Naglakad ako at pa-unti unting bumati sa mga Amasdirig na nakakatinginan ko. Parang ang awkward naman kasi kung hindi man lang ako ngingiti o babati pero sa totoo lang sobrang naiilang ako kasi hindi ko talaga alam kung paano sila batiin o kung ano ba dapat ang reaksyon ko. Natatakot akong may makahalata na hindi talaga ako taga dito.
Grabe nakakasilaw 'yung araw pero hindi mo mararamdaman 'yung init, malamig pa rin ang simoy ng hangin sana ganito rin sa Quezon City. Habang naglalakad ako, inilagay ko 'yung kamay ko malapit sa ulo ko para matakpan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at para rin makita ko ng maayos 'yung dinadaanan ko.
In fairness ha, medyo malayu-layo na 'yong nalalakad ko pero hindi ko pa rin nakikita si Erasmus. Ang sakit pa naman ng katawan ko. Ang hirap humakbang pakiramdam ko na-hazing ako.
Napatingin ako sa malayo tapos nakita ko na sobrang breath-taking ng view. Instagrammable talaga grabe! Ang laki pa rin ng panghihinayang ko na wala akong pangpicture. Matutuwa sana si Nissy doon.
Tumigil ako saglit sa kinatatayuan ko para i-internalize pa 'yung view. Ang sarap sa feeling! Naririnig mo ang iba't ibang huni ng hayop, tunog ng dahon... Basta 'di ko ma-explain! Nakakawala sa sarili!
At ayan na nga, dahil nawala ako saglit sa sarili ko, hindi ko narinig na pinapatabi pala nila ako dahil may wagon na mabilis na umaandar papunta sa kinakatayuan ko.
Mabuti na lang may nagmagandang loob na itulak ako palayo para hindi ako matamaan.
"Aray!" Sigaw ko, nasubsob naman kasi ako sa lupa. Di ko masyadong nacalculate kung paano ba humandusay ng confidently beautiful kaya ayun mukha akong palaka, ang laki ko pa naman.
Dahan dahan kong itinatayo ang sarili ko pero dahil nga masakit talaga ang lahat sa akin, hindi ako makatayo kaya 'yung malalapit na Amasdirig e tinulungan na ako.
"Salamat... Salamat..." Sabi ko habang nagpapagpag ako ng damit ko. Pilit na pilit 'yung ngiti ko kasi nasaktan talaga ako pero thankful pa rin ako kung sino man 'yung tumulak sa'kin para hindi ako matamaan ng wagon.
Pero naisip ko, bakit naman tulak 'yung ginawa niya, sana hinila na lang niya ako palapit sa kanya para medyo mas nakakakilig kung lalaki man siya! Sayang, chance ko na sanang maranasan 'yung mga napapanood ko sa Korean nobela.
Tumingin ako sa kabilang side para makita kung sino man 'yung nagligtas sa akin. Pero di ko makita kasi parang wala naman masyadong nagpkaita ng concern sa part na 'yun. 'Yung ilan pa na nakita ko ay nakangiti parang pinagtawanan ako, pero baka ako lang naman ang nag-iisip ng ganoon.
"Maraming salamat!" Sigaw ko kahit 'di ko talaga sure kung sino sa kanila 'yun. Tumalikod na ako kasi nakakahiya as in.
"Ayos ka lang ba aking dyamante?!" Sabi ng isang lalaki. Naku D'yos ko parang kilala ko na kung sino 'yun
Lumingon ako. Hindi ko agad nakita pero nakita ko rin. Tama ako! Bwiset! Si Waniru nga! At ang impaktong 'to napakalaki ng ngiti! Parang mawawasak na ang bibig. Nakakainis! At ang mas nakakainis pa, kasama n'ya si Erasmus na kaparehas ng mukha niya hanggang tenga rin ang ngiti. Well okay lang na ngumiti si Erasmus bilang minsan ko lang naman siyang makitang ngumiti. D'yos ko ang gwapo!
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...