PALAISIPAN

1.2K 105 75
                                    

Chapter XI: Palaisipan

Mas tinalasan pa niya ang kanyang paningin at bahagya nang nagkubli sa malalaking puno na nasa paligid ng kanyang tahanan.

Hindi siya natatakot subalit nakakaramdam siya ng matinding kaba.

Kung ito man ay ang mga nilalang na sumalakay sa Arcania, nais niya itong makita at malaman kung anong klase ang mga ito at saan ito nabibilang. Subalit nangangamba siyang kung ito nga ang mga nilalang na iyo'y paano niya ito maipararating kaagad sa reyna o kahit sa mga Igaduwe man lang kung hindi siya makakatakas.

Dahan dahan siyang lumalapit sa kanyang tahanan ng pakubli kubli at palinga-linga sa paligid.

Habang siya ay palapit nang palapit sa kanyang tahanan ay mas lalong tumitindi ang kabang kanyang nararamdaman sapagkat wala siyang ideya kung ano o sino ang mga nilalang na kanyang makikita at walang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan ba niya ang pakikipagharap na ito.

Nakalapit na at nabuksan na ni Erasmus ang pintuan ng kanyang tahanan subalit bigo siyang may makitang nilalang sa paligid. Magkagayon ma'y hindi siya naging kampante.

Ibinaba niya malapit sa pintuan ang kanyang mga gamit subalit hindi ang kanyang mga sandata.

Wala man siyang makitang  kahit na anong kahina-hinala sa paligid ay hindi mapanatag ang kanyang kalooban at nagpatuloy sa mabusising pagsusuri sa paligid ng kanyang tahanan.

Nang sandali na sanang susuko si Erasmus, sa pag-aakalang guni-guni lamang niya ang lahat ng iyon ay bigla na lamang siyang may narinig na kaluskos. Naging alerto siya at muling pumosisyong pandigma.

Lumabas mula sa malaking punong pinagkukunan ng tubig ang isang nilalang.

Hindi ito makilala ni Erasmus dahil bahagya itong natatakpan ng makinaryang konektado sa malaking puno.

Lumapit si Erasmus ng nakatutok ang sandata sa lugar kung saan niya narinig at bahagyang nakita ang kumakaluskos.

Nang marating niya ang puno ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Isang Igaduwe.

Isang Igaduwe ang tila naligaw sa kanyang lugar.

Ibinaba niya ang kanyang sandata at ngumiti.

"Tila naliligaw ka, kaibigan."

Hindi makapaniwala si Erasmus dahil ito pa lamang ang ikalawang pagkakataong may dumalaw na Igaduwe sa kanyang lugar.

Ang una ay noong bago pa lamang siya sa Erialys at kailangan ng tulong upang mabuhay.

"Kailangan mo ba ang aking tulong?" Tanong ni Erasmus habang ibinabalik ang hinugot na sandata sa kanyang likuran

Hindi sumagot ang Igaduwe bagkus ay dumiretso ito patungo sa harapan ng tahanan ni Erasmus kung saan naroon ang lamesa at upuan.

Dahil lupain ng mga Igaduwe ang Erialys ay hindi nila kinikilalang pagmamay-ari ng isang nilalang ang kahit na anong lugar doon lalo na kung hindi nila ito kauri. Kaya naman wala itong pag-aalinlangang dumiretso sa lugar ni Erasmus.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon