SI IRO AT MALLORY

1.2K 106 116
                                    

Chapter XIII: Si Iro At Mallory

Naglakad si Erasmus patungo sa isang bahay na mahigpit niyang ipinagbawal noon kay Calistin na pasukin.

Tumapat siya sa pintuan nito at muling tiningnan ang espesyal na bato na nasa kanyang kamay. Huminga siya ng malalim na tila ba nagdadalawang isip sa kanyang gagawin.

"Kailangan... Kailangan kong gawin ito..."

Itinapat niya ang hawak na bilog na bato sa isang maliit na parisukat na kasing laki ng uka nito sa gitna. Pinagdikit niya ito at marahang itnulak upang maglapat ang pintuan at ang espesyal na bato.

Nang sandaling nagdikit ang mga bahagi nito ay nagbukas ang pinto ng tahanan. Sumimoy ang malamig na hangin mula sa loob kasabay ng pagbukas ng pinto.

Tanging ang dalawang mas maliit na tahanan lamang ang may ganitong uri ng susi bago mabuksan.

Noong una ay nakayuko lamang si Erasmus na tila ba hindi nais na makita ang nasa loob ng tahanan.

Itinaas ni Erasmus ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko at humakbang papasok sa tahanang iyon.

--------------------

"Cal, kung nasaan ka man, gusto kong malaman mo na hindi ako sumusuko sa paghahanap sa'yo... Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng pulis dito... Nararamdaman kong nasa paligid ka lang... Sana makita na kita..." Sambit ni Nissy sa kanyang isip habang nakaupo sa harap ng kanyang lamesa

Ang matalik na kaibigan ni Calistin na si Anthony Symon Quintana o mas kilala sa tawag na Nissy ay isang professional photographer at nagmamay-ari ng isang photo studio.

Labis na pag-aalala na ang kanyang nadarama para sa kanyang kaibigan. Mahigit isang buwan na kasi itong nawawala.

Nagpakalat na siya ng mga litrato ni Calistin sa mga bulletin boards ng iba't ibang establisyemento at kung saan pa maaaring magdikit ng mga ito. Nagpost na rin siya sa iba't ibang social media accounts niya dahil nagbabakasakali siyang may nakakita kay Calistin sa ibang lugar.

Subalit magpa hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na balita.

Tumutulong na rin ang mga ka-banda ni Calistin sa pag-hahanap sa kanya. Kapag may oras ang mga ito ay namimigay sila ng flyers na may mukha ni Calistin at contact person kung sakaling may nakakita na dito.

Sa kabila ng mga negatibong sinasabi ng pulisya kay Nissy ay ipinagpatuloy pa rin niya ang paghahanap sa kaibigan.

--------------------

Patapos na ang oras ng hapon at tapos na rin ang mga pagsasanay ni Calistin.

Inimis niya ang kanyang mga gamit at sandata. Binitbit niya ang lahat ng mga ito upang ibalik sa taguan nito sa loob ng palasyo.

Bahagyang nahirapan si Calistin sa pagbuhat ng mga iyon subalit hindi siya nagpahalata sa mga nakakasalubong niya dahil hindi niya nais na isipin ng iba na siya ay mahina.

Matapos niyang maibalik sa tamang lalagyan ang mga gamit ay muli siyang lumabas ng palasyo upang magpahangin at mapag-isipan na rin ang mga maaaring mangyari kinabukasan sa pagsasanay nila ni Waniru.

"Kaya kong malusutan 'to pero tatlo hanggang limang araw lang... Kapag mas tumagal pa doon ay maaari na niya akong pagdudahan ng husto. Anong gagawin ko? Kailangan ko nang makausap si Erasmus. Kailangan ko ang tulong niya." Sabi nito habang naglalakad

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon