CHAPTER V: Pagdiriwang Sa Arcania
Halos hindi nakapagpahinga si Erasmus sa pag-iisip sa kasiyahang gaganapin sa Arcania. Nagtatalo ang kanyang isip at puso sa pagdedesisiyon kaya lalo siyang naguguluhan.
"Batid kong tama ang lahat ng tinuran ni Calistin. Pero paano? Paanong hindi ko maaalala ang madugong pangyayaring iyon sa buhay ko? Hindi ko kaya... Hindi ko pa talaga kayang bumalik sa Arcania..."
Labing apat na taong gulang lamang si Erasmus nang mangyari ang digmaan sa Arcania kaya lubos na kalungkutan at dalamhati ang idinulot nito sa kanya na nadala niya hanggang sa siya ay tumanda.
Nang sumunod na araw ay maaga pa ring bumangon si Erasmus sa kabila ng hindi niya pagkakaroon ng maayos na pahinga. Patuloy pa ring nagtatalo ang kanyang isip at damdamin.
May kung anong nag-uudyok sa kanya na magtungo sa Arcania subalit namamayani pa rin sa kanyang puso ang hindi pagpunta rito.
Walang anu ano'y mabilis siyang pumasok sa kanyang silid at nag-impake ng mga kagamitan at espesyal na mga bato.
Ginising niya si Calistin at pinaghanda na s'yang ikinagulat nito.
Sa wakas! Tutungo sila sa Arcania!
Mabilis ang naging pagkilos ni Calistin sa sobrang pananabik na makita ang Arcania at lalo pang napatulin ito nang dahil sa kaisipang nalalapit na ang kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao sapagkat magkakaroon na siya ng pagkakataong makadaupang-palad ang reyna ng Arcania.
Agad na naglakbay ang dalawa patungong Arcania. May apat na sasakyang pang lupa ang kanilang sinakyan at sa pagitan ng mga ito ay naglalakad sila patungo sa susunod na sakayan. Hindi na naramdaman pa ni Calistin ang pagod dahil sa pagkamangha sa kakaibang kapaligirang kanyang nakikita.
Habang lumalayo sila sa lupain ng mga Igaduwe ay nag-iiba na ang itsura ng kapaligiran. Sa Erialys makikita ang 'di mabilang na malalaki at mayayabong na mga puno. Napakaraming makakapal na iba't ibang uri ng mga halaman at bulaklak ang makikita sa kapaligiran. Kung ito'y ihahalintulad sa mundo ng mga tao, ito ay isang napakayamang kagubatan na walang bahid ng kahit na anong polusyon at pagkasira. Napakarami ring kakaibang mga hayop ang naninirahan sa lugar na ito.
Papalapit na sila sa kaharian ng Arcania. Muling sinambit ni Erasmus ang mga paala-ala kay Calistin upang hindi ito magkamali at walang makahalata na hindi talaga siya taga Archimeria.
Mababatid na malapit na ang Arcania kapag nagiging dominante na ang mga kweba at naglalakihang mga bato sa paligid. Marami pa ring mga puno at halaman ngunit kapansin pansin ang pagdami ng bilang ng mga bagay na yari sa bato. May mga kakaibang tulay at hagdan rin na yari sa bato ang kanilang nadaanan.
Hapon na nang tuluyang marating ng dalawa ang Arcania.
"Shooot! Mas maganda pa 'to sa inaasahan ko!... Ang amazing ng mga bahay pati ng mga gamit!... Ang tatangkad ng mga nilalang dito a! Sa wakas nakablend in din ako! Hindi na ako masasabihang bakulaw dito dahil sa height ko..." Manghang manghang sabi ni Calistin sa sarili. "Grabe 'yung mga bahay at tindahan! Sobrang astig ng itsura! Lahat gawa sa bato! Sana kaya ko din magmold ng bato para sa mga magiging designs namin sa mga event na ino-organize namin!"
Lahat ng abutin ng paningin ni Calistin ay gawa sa bato na lubha niyang ikinamamangha. Habang sila ay naglalakad, makikitang palinga-linga si Calistin sa kagustuhang masuri ang kanilang bawat dinadaanan.
Sunod sunod at halos magkakadikit ang mga establishments at bahay. May mga nakikita siyang kabataang Amasdirig na naglalaro sa daan gamit ang kanilang mga laruang yari rin sa bato.
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...