Chapter XXIV: Ang Mga Namte Ng Arcania
Tumambad sa harapan ng dalawa ang isang napakagandang lugar.
Isang maliit na talon ang noo'y kanilang nakita at sa mismong tabi lamang nito ay may tila isang nakalutang na kweba. Ang kweba ay gawa sa pinaghalong bato at dyamante na may mga baging. Mula sa talon ay may nakadirektang hugis tubo na tubig patungo sa gilid na bahagi ng kweba na nagsisilbing daan ni Selebos sa tuwing gamit niya ang kanyang buntot.
Ang kapaligiran ay nababalot ng makapal na mga puno at naglalakihan at nagtataasang mga bato. May mga iba't ibang uri rin ng mga nagliliwanag na insekto ang lumilipad sa paligid.
"Ngayon ko lamang nakita ang lugar na ito..." Namamanghang sabi ni Samira habang inililibot ang paningin sa lugar na pinagdalahan sa kanila ni Selebos. "Tunay na sadyang napakalaki ng buong Archimeria, Aku Araya... Napakarami pa ng lugar na hindi natin napupuntahan."
Hindi sumagot si Araya sa sinambit ng kapatid dahil naisip niyang kung hindi lamang sila nakulong ng mahabang panahon ay maaaring nakita na nila ang bawat sulok ng Archimeria.
"Wala kayong dapat na ikabahala sa lugar na ito. Halos walang nilalang ang nagagawi dito." Sabi ni Selebos habang nakatingin sa dalawa na namamangha pa rin sa lugar. "Dito ako namamalagi sa tuwing nais ko ng katahimikan at mapag-isa."
Inikot ni Araya ang nasasakupan ng lugar at sinuri ang bawat sulok.
Si Araya ay ang panganay na anak ng dating reyna ng Arcania na si Reyna Ezina. May angking kagandahan ngunit may angking kasigaan at angas dahil lumaki siyang nakasunod lagi sa kanyang amang hari at inang reyna at palaging sumasali sa mga pisikal na pagsasanay. Matigas ang ulo nito ngunit siya ay isang matuwid na Amasdirig na may matibay at sariling paninindigan. Matangkad ito at nasa 5'11 ang kanyang taas. May mapusyaw na kayumangging balat ito at natural na mapulang mga labi. Mayroon siyang itim at bahagyang kulot na buhok na abot lamang sa kanyang balikat.
At dahil isang dugong bughaw ng Arcania si Araya, siya ay nagtataglay ng kakaibang balat sa kanyang katawan. Mayroon siyang tigtatlong bilog na kulay abong balat sa kanyang tagiliran na kapag ginagamit niya bilang isang armas ay nagiging minipis na manipis na matalim na bilog na may isang naka usling talim na syang pumupunit sa balat upang tumagos sa laman at katawan ng kung sino mang tamaan nito. May kakayahan rin itong sumira ng iba pang armas at matitigas na bagay. Magkaiba rin ang kulay ng mga mata ni Araya. Ang kanyang kanang mata ay kulay abo at ang kaliwa naman ay bughaw.
Matapos suriin ni Araya ang lugar ay tumingin siya kay Samira at tumango dito na tila ba sinasabing ligtas nga ang lugar na iyon.
Humarap si Samira kay Selebos at tiningnan ito sa mukha.
Si Samira naman ay ang nakababatang kapatid ni Araya at ikalawang anak ng dating Reyna ng Arcania. Kumpara kay Araya ay higit na mapusyaw ang kulay ng balat nito at mayroon siyang mapusyaw na pulang mga labi. May taglay ring kakaibang ganda si Samira na kung siya'y makita ng kung sino man ay agad siyang kinahuhumalingan. Mas matangkad lamang ng isang pulgada si Araya kaysa kay Samira.
Taliwas kay Araya, si Samira ay mahinhin at mahinahon sapagkat siya naman ay lumaki na palaging nakasunod sa kanyang mga tagapangalaga at guro sapagkat hindi niya kinahihiligan ang mga pisikal na aktibidad noon.
Tulad ni Araya, may natatangi ring marka sa katawan si Samira. May tig dalawa siyang pabilog na kayumangging balat sa kanyang tig kabilang braso na kapag ginagamit niya'y nagbibigay ng init at matinding liwanag na kapag tumama sa isang nilalang o bagay ay maaaring masunog o matunaw.
Magkaiba rin ang kulay ng kanyang mga mata. Ang kanan niyang mata ay kulay luntian at ang kaliwa naman ay kulay kayumangging nagdidilaw.
Magsasalita na sana si Samira subalit biglang nagsaalita si Selebos.
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...