ANG PUNO NG HILWARU

845 94 884
                                    

Chapter XXVI: Ang Puno Ng Hilwaru

Matapos na kumain at magligpit ang mag kaibigang Erasmus at Waniru ay nanatili pa sila sa labas ng tahanan. Naupo sila sa may lamesa kung saan sila nag-usap noong kararating pa lamang ni Waniru at tsaka nagsimulang humulma ng maninipis at matutulis na palito na ginagamit na bala sa sumpit.

Hanggang sa mga oras na iyo'y hindi pa rin maalis sa usapan ng dalawa si Calistin.

Ilang sandali pa at tumayo si Erasmus at pumasok sa loob ng kanyang bahay. Sa kanyang paglabas ay may dala siyang kahon na gawa sa bato.

"Ano iyan?" Tanong ni Waniru habang inaabot ang inilapag na kahon ni Erasmus

"Mga kagamitan ni Calistin noong siya ay dumating dito sa Erialys." Sagot ni Erasmus. "Kailangan pala nating dumaan bukas sa pook kalakalan... May kailangan akong tingnan at siguruhin doon."

Tumango tango si Waniru sa mga sinabi ni Erasmus habang nakatuon ang pansin sa kahon. Sa pagnanais niyang makita ang nilalaman nito ay mabilis niya itong binuksan at sinilip ang nasa loob.

Agad na napakunot ang kanyang noo. Sapagkat ang nakita lamang niya doon ay ang kulay bughaw na leather backpack ni Calistin.

"Ano ang bagay na iyan?" Tanong ni Waniru

"Isa iyang sisidlan. Dito nakalagay ang lahat ng kanyang mga kagamitan." Sabi ni Erasmus habang inilalabas ang bag sa kahon

Binuksan ni Erasmus ang bag at inilabas ang mga gamit na nasa loob. Pagkatapos ay isa isa niyang inilapag ang mga ito sa lamesa.

Una niyang inilabas ang aklat at planner ni Calistin. Sunod ang dalawang ball pen, suklay, panyo, pouch na naglalaman ng alcohol, plaster at maliit na walang lamang botelya ng solution na ginagamit ni Calistin sa kanyang mga mata, isang babasaging tumbler at isang maliit na supot ng mga candy.

Kapwa nakakunot ang noo ng dalawa habang nakatingin sa mga gamit ni Calistin.

"Kakaiba ang kanyang mga kagamitan... Tunay na nanggaling siya sa ibang lugar... Ngayon lamang ako nakakita ng mga bagay na iyan." Sabi ni Waniru ng nakatitig sa mga gamit sa lamesa. "Batid mo ba kung ano ang mga bagay na iyan?" Tanong nito kay Erasmus

Mabilis na umiling si Erasmus at sumagot ng hindi.

Hinawakan ni Waniru ang kulay itim na suklay na may malalaking ngipin. "Marahil ito ay ginagamit nila sa pagkain." Sabi nito sabay tusok sa prutas na nasa gilid ng lamesa at isinubo ito gamit ang suklay

Tumango naman si Erasmus na tila kumbinsido sa winika ng kaibigan.

Kinuha ni Erasmus ang walang lamang botelya. "Ito, alam ko kung paano ginagamit ito... Ilang beses kong nakitang ginamit ito ni Calistin sa kanyang mga mata."

Binuksan ni Erasmus ang botelya at sinubukang ipatak ito sa kanyang mata subalit walang lumabas dahil ubos na ang laman nito.

"Ano ang iyong ginagawa?" Tanong ni Waniru

"Nakita kong ipinapatak ni Calistin ang laman ng botelyang ito sa kanyang mga mata... Marahil isa itong makapangyarihang tubig sa kanilang mundo..." Hula ni Erasmus habang tinitingnan ang botelya. "Aha!" Sigaw nito. "Alam ko na! Marahil ay ito ang dahilan sa pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata!" Nakangiting sabi nito habang namamanghang nakatingin sa kanya si Waniru

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon