Chapter XVII: Simula Ng Pagtataka
"Bilisan n'yo! Bilisan n'yo!"
"Dito! Dito! Dito!"
"Tumakbo kaaa!"
"Ilaaag!"
Ilan sa mga sigaw na maririnig sa iba't ibang panig ng Arcania.
Sa pagbagsak ng iba't ibang laki ng mga bato ay napakarami nitong napipinsala. Nawawasak ang ilang mga tahanan at pamilihan na kamakaylan lamang muling naitayo at nai-ayos.
Napakaraming bilang ng mga Amasdirig ang napipinsala at nasusugatan.
Katulad ng naunang pagsalakay, walang anu-ano'y bigla na lang ding sumulpot ang mga balot na balot na nilalang na batid ng bawat isa'y mga bato lamang. Napakaliliksing gumalaw ng mga ito at tila hindi nauubos sa iba't ibang direksyon na kanilang pinaggagalingan.
Bawat madaanan ng mga ito ay walang habas nilang sinasaktan gamit ang mga bitbit na iba't ibang armas. Winawasak ang ano mang bagay na nakaharang sa kanilang daan. Nakaririmarim ang ikinikilos ng mga ito.
Subalit magkagayun man ay batid na ng mga kawal kung paano nila tataluhin ang mga nilalang na kagaya nito kung kaya patuloy lamang sila sa paglaban.
*CALISTIN's POV*
Sila na naman! Mukhang hindi napapagod matalo ang may pakana nito ah!
'Di na mabilang ang mga nilalang na napabagsak ko gamit ang sibat.
Wasiwas doon, wasiwas dito. Wala akong makitang lugar na walang kalaban. Lahat ng nakikita ko sa aking harapan ay agad kong hinahampas ang leeg, braso o kaya nama'y binti upang humiwalay ang mga parte nito sa kanilang katawan.
Isang pamilyar na boses ang aking narinig na tumatawag sa akin. "Calistin!" Buong lakas na sigaw nito. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig habang patuloy lamang ako sa pagwasiwas ng aking sandata. "Sa bukana ng palasyo!" Muling sigaw nito.
Napalingon ako sa kaliwang parte ng lugar na aking kinatatayuan at nakita ko si Punong Indira na masigasig na lumalaban sa mga kaaway. Tama ako, siya nga ang narinig kong tumatawag sa akin.
Kunot noo at mabagsik ang aking tingin sa kanya at tumango bilang pagpapakita ng aking pagsunod sa kanyang sinabi.
Mabilis akong tumakbo papunta sa harapan ng palasyo at nakita ko doon ang napakaraming kalaban.
Agad kong sinuong ito at sumagupa sa sino mang haharang sa aking daan.
Masalimuot ang aking dinaanan bago ko narating ang pinaka bukana ng palasyo. Sa aking harapan ay nakikita kong may ilan nang nakapasok na pilit nang nilalabanan ng mga kawal.
Pumwesto ako sa harapan mismo ng pintuan at pinigilan ang sino mang magtatangkang pumasok dito.
At dahil bahagyang mas mataas ang aking kinatatayuan ay natatanaw ko ang mga nakikipaglaban.
Sa aking kaliwa ay nakikita ko ang reyna na masigasig na nakikipaglaban habang si Waniru at Lidero ay buong tapang rin na nakikipaglaban sa sapat na distansya lamang upang maprotektahan ng mga ito ang reyna.
Peste, hindi yata mauubos ang mga ito, nakakramdam na ako ng pagod.
Habang nakikipag-ombagan ako sa mga chakang kalaban na ito, may naramdaman akong malakas na humampas sa likod ko damay pati batok ko! Ang sakit!
Nahilo ako at napa-dapa sa sahig. Sa pagbagsak ko ay nabitawan ko ang aking sibat at gumulong ito palayo sa akin. Bahagya ko pang naitukod ang kaliwa kong kamay subalit hindi ko maitayo ang aking sarili. Nag-iitim at puti ang aking paningin na pakiramdam ko'y mabubulag ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasiSa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...