ANG PAGDAKIP KAY CALISTIN

371 48 194
                                    

Chapter XXVIII: Ang Pagdakip Kay Calistin

"Tila umurong ang iyong dila, Calistin." Nang-uuyang sabi ni Indira

Pakiramdan ni Calisti'y nagyelo ang kanyang katawan at nablangko ang buo niyang isip. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot niya kay Indira.

"Itatanggi ko ba? Ano?! Bilis Calistin! Isip!" Tarantang sabi nito sa sarili

"Ano Calistin?" Mapanindak na tanong ni Indira habang unti-unting lumalapit kay Calistin. "Sino ka nga bang talaga?"

"P-punong... I-indira..." Nanginginig na sabi ni Calistin

Tumahimik si Indira at naghintay ng sagot mula kay Calistin subalit sadyang hindi ito makapagsalita at mahahalata ang pagkagulantang sa mukha.

"Paano mo ipaliliwanag ang bagay na ito? Saan mo ito nakuha at paano ka nagkaroon nito?" Sunod-sunod na tanong ni Indira habang tinitingnan ang hawak na lagayan ng contact lens sa kanyang kaliwang kamay

Hanggang sa puntong iyon ay hindi makatingin si Calistin kay Indira at hindi pa rin ito makapagsalita.

"Noong una pa lang batid ko nang may kakaiba sa iyo... Ang iyong pananalita... Mga kilos... At marami pang iba." Sabi ni Indira sa seryosong tono habang iniikutan si Calistin. "Nasisiguro kong hindi gawa ang bagay na ito dito Archimeria." Sabay lapit ng mukha nito sa mukha ni Calistin upang lalong takutin ito at mapilitan nang magsalita. "Saan ka ba talaga nagmula?"

Halos 'di na makahinga si Calistin sa bilis ng pagpintig ng kanyang puso. Batid niyang kapahamakan na ang naghihintay sa kanya dahil sa kaganapang ito.

"P-punong I-indi-dira..." Nanginginig na tinig na sabi ni Calistin na noo'y pinagpapawisan na kahit hindi naman mainit sa kanyang silid

"Ano Calistin?!" Matapang at pagalit nang sabi ni Indira

"M-magpapaliwanag a-ako..." Maikling sagot ni Calistin

Muling tumahimik si Indira upang dinggin ang paliwanag ni Calistin ngunit lumipas ang mahigit tatlong minuto ay walang lumabas na salita sa bibig nito kung kaya lalong nag-init ang ulo ni Indira.
Nang aktong muling magsasalita si Indira ay agad na sumingit si Calistin.

"P-punong Indira... Nakikiusap ako... B-bigyan mo ako ng panahon upang s-sabihin sa iyo ang lahat---" Naputol na sabi ni Calistin nang sumingit si Indira

"Sabihin ang lahat? Anong lahat ang iyong sinasabi?" Kunot noo at pagalit pa ring sabi ni Indira

"H-hindi ako m-masamang nilalang, Punong Indira, m-maniwala ka. Wala akong masamang pakay sa lugar na ito o sa kahit na sino... Maniwala ka." Pagmamakaawa ni Calistin

Dahil sa pahayag na narinig ni Indira ay napatunayan niyang hindi talaga nagmula si Calistin sa libib na lugar ng Arcania at malaki ang posibilidad na hindi rin siya taga Archimeria.

Hindi na dininig pa ni Indira ang mga sumunod na sinabi ni Calistin at sa halip ay kinuha niya ang ilpos (isa itong espesyal na uri ng panali na ginagamit ng mga Amasdirig sa paghuli ng mga nagkasala sa Arcania. Kawangis ito ng latigo ngunit higit itong maikli na sa oras na maibuhol ay bumibigat ng katumbas ng dalawampung kilo at tumitigas katulad ng bato) at itinali ito sa kamay ni Calistin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon