Chapter XIV: Kapahamakan Para Kay Calisitin
*CALISTIN's POV*
Nagising ako ng basang basa ng pawis ang aking likuran.
Hindi ko lubusang maintindihan dahil kahit naman mataas ang sikat ng araw sa Archimeria ay malamig pa rin ang simoy ng hangin dito.
Ano pa man ito ay hindi ko na pinansin pa dahil ngayon na ang simula ng araw ng pagsasanay ko sa pag-gamit ng mga espesyal na bato sa ilalim ng pamumuno ni Waniru.
Labis akong kinakabahan dahil alam ko sa sarili ko na wala namang mangyayari sa aking pagsasanay.
Bumangon ako at mabilis na naghanda sapagkat hindi ko nais na mahuli at magkaroon pa ng dahilan upang ako ay pagdudahan ni Waniru.
Lumabas ako ng palasyo at tumakbo papunta sa lugar kung saan kami magsasanay.
Napakataas na ng sikat ng araw at batid kong nagsimula na ang oras ng umaga.
Noong ako ay malapit na ay binagalan ko na ang aking pagtakbo at naglakad na lamang.
Sa aking paglalakad ay nagkaroon ako ng pagtataka sa aking paligid.
Nakapagtataka dahil wala akong nakitang ni isa mang Amasdirig sa lugar.
Ilang sandali pa at biglang nagbago ang itsura ng aking paligid.
Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko ito ipinahalata.Lubhang iba ang itsura ng paligid ngunit pamilyar ito sa aking mga mata. Narating ko na ang lugar na ito.
Iniikot ko ang aking paningin at noo'y nakita ko ang pader ng mga baging na aking tinawid kahapon lamang.
"Anong nangyayari? Ano na naman ito?" Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa pader na iyon
Kinakabahan ako ngunit pinipilit kong maging matatag dahil batid kong ang sarili ko lamang ang aking maaasahan sa pagkakataong ito.
Hindi ko na nais pang tawirin ang pader na iyon ngunit naisip ko na maaaring ito na ang pagkakataon upang makakuha ng kasagutan sa aking mga tanong sa naganap sa akin noong dapit-hapong iyon.
Maingat akong pumasok at mabilis na nakatagos sa kabilang bahagi ng pader.
Doon ay nasilayan ko pa rin ang aking mga nakita noong unang beses na ako ay makarating sa lugar na iyon.
Sa pagkakataong ito ay nilapitan ko na ng mas malapit ang parihabang bato.
Hinintay kong muli itong magliwanag ngunit bigo ako. May kalahating oras na akong naghihintay ay wala pa ring nangyayari.
Muli kong inikot ang napakataas na parihabang bato na may tig tatatlong dipa ang lapad ng bawat pader. Ngayon, mas napatunayan kong wala itong pintuan kaya hindi maaaring walang laman ang loob nito.
"Ngunit, paano nangyari ang pagliwanag na aking nakita?" Tanong ko sa aking sarili habang sinusuri ang bato. "Nasisiguro kong hindi ako namalik-mata lamang sa aking nakita... Dalawang beses iyon nangyari noon..."
Ilang sandali pa ay biglang yumanig ng napakalakas ang lupa.
Napa-suray ako sa aking pagkakatayo at mabilis kong inilagay ang aking mga kamay sa aking ulo.
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...