NASAAN SI CALISTIN?

1.6K 130 101
                                    

Chapter II: Nasaan Si Calisitin?

"Boooooooooosh! Badabooooooooom baroooooom! Kaaaaboooooooom" Malakas na tunog ng kulog na may kasamang kidlat

"Nissy!" Sigaw ni Calistin habang tinutulungan ang sarili na makatayo mula sa pagkakahandusay sa lupa. "Nissy! Asan ka?" Muling sambit nito habang napapakunot ang noo dahil hindi n'ya makilala ang lugar na kinaroroonan niya ngayon.

"Nasaan ba 'ko?" Takang takang tanong niya sa sarili. "Umaga na agad? Ganon katagal 'yong holdapan? Kumulog at kidlat wala namang ulan? Ano ba 'tong lugar na 'to?"

Naglakad si Calistin at bahagyang sinuri ang lugar at napagtanto niyang siya ay tila nasa isang kagubatan. Wala siyang makitang mga tao sa paligid. Ang lugar ay hindi katulad ng mga tipikal na gubat na napuntahan na niya at nakikita sa TV.

Kakaiba at hindi maipaliwanag ang kanyang pakiramdam habang siya ay naglalakad. Tila ba lumakas ang kanyang pandinig at pang amoy sapagkat malinaw niyang naririnig ang huni ng iba't ibang hayop at insekto. Ang lagaslas ng tubig maging ang ihip ng hangin ay malinaw niyang naririnig. Marami rin siyang naaamoy na iba't ibang amoy kagaya ng mahalimuyak na bulaklak, dahon, lupa at kung anu-ano pa. Malamig rin ang simoy ng hangin sa lugar na iyon kahit na tirik ang araw.

Nakapagtataka subalit naisip niyang siya ay nasa probinsya kaya ganito na lamang ang ganda ng kalikasan.

"Nawalan ba ako ng malay? Itinapon ba nila ako dito? Si Nissy, nasan kaya s'ya?"

Patuloy na naglakad si Calistin sa pagbabakasakaling may makita siyang tao na maaaring tumulong sa kanya. Maraming naglalaro sa kanyang isipan habang siya ay naglalakad at habang tumatagal ay tumitindi na ang kanyang pagtataka at pagdududa. Ilang sandali pa, sa hindi kalayuan ay nakatanaw siya ng mga bahay. Nagmadali siyang maglakad upang tunguhin ang lugar na iyon dahil nasasabik na siyang makauwi.

"Yes! Makakauwi na ako!" Sambit niya sarili habang patakbong tinatahak ang madamo at mabatong daan ng lugar na iyon bitbit ang maliit niyang backpack

May dalawang metro pa ang layo niya sa kabahayan ay sumisigaw na siya dahil sa tuwa at pananabik na makahanap ng tulong upang siya ay makauwi na.

"Tao po!" sigaw ni Calistin habang maingat at dahang dahang pinagmamasdan ang lugar

"Ang weird ng itsura ng mga bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng bahay. Kakaiba pero sobrang ganda."

"Tao po... May tao ho ba dito?... Magtatanong lang po sana... Magandang araw po..." Walang sumasagot sa higit limang minuto na niyang pagtawag sa lugar na iyon.

Habang siya ay tumatawag ay bahagya niyang sinusuri ang lugar. Kakaiba ang mga kagamitan. May mga pamilyar na bagay at mayroon ding mga kakaiba.

May tatlong bahay, dalawang halos magkasing laki lamang at isang mas malaki sa dalawa. Hindi niya alam ang nilalaman ng loob nito dahil nakasara ang mga pinto nito. Ang dingding maging ang bubong ay gawa sa itim na bato may mangilan-ngilang disenyo na yari rin sa bato naiba lamang ng kulay.

May napakalaki at kakaibang punong maraming baging na pawang pinagmumulan ng tubig na ginagamit ng kung sino mang naninirahan dito. Kakaiba subalit namangha si Calistin sa nakita niyang iyon.

Maayos at malinis ang lugar kaya naman kumbinsido si Calistin na may nakatira doon kaya minabuti niyang maupo na lamang sa isang tabi at hintayin ang taong nakatira sa lugar na iyon.

"Naku, baka naman nag-iilusyon lang ako. Baka wala naman talagang nakatira sa lugar na 'to."

Napatingin siya sa kanyang relo dahil sa pagkainip sa paghihintay ngunit nasira yata ito noong nakipagrambolan siya sa mga holdapper. Naging pabaliktad ang takbo nito at pahinto hinto.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon