SI CALISTIN

2.4K 146 124
                                    

Chapter I: Si Calistin

*FLASHBACK*

"Galising Calistin! Galising Calistin! Galising Calistin! Nye nye nye nye nye! Galisin!" Panunukso ng ilang kabataan sa eskwelahan sa estudyanteng si Calistin

"Halimaw! Haimaw! Kelan ka nagpapalit anyo?" Sigaw pa ng isang estudyante

"Ilan na ang nakain mo?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay sabay na tawa ng mga mapanuksong estudyante kay Calistin

Walang araw na lumilipas na hindi natutukso ang batang si Calistin sa loob o sa labas man ng kanilang paaralan. Madalas niyang itanong sa kanyang ina kung ano ba talaga ang mga marka na nasa kanyang balat.

"Mama, sakit po ba talaga itong nasa balat ko? Nakakahawa po ba ito?" Tanong ni Calistin sa kanyang ina

"Anak, ilang beses na nating pinag usapan iyan hindi ba? Hindi sakit iyang nasa balat mo at lalong hindi nakakahawa." Sagot naman ng kanyang inang si Marineth. "Tinutukso ka na naman ba ng mga kaklase mo?"

Walang kibo at bakas sa mukha ni Calistin ang lungkot.

"Anak, ito ang tatandaan mo, hindi batayan ang panlabas na anyo para masabi ang tunay na nilalaman nito..." At itinuro ni Marineth ang dibdib ni Calistin habang mahinahong nagpapaliwanag dito. "Kahit kailan ay hindi mo dapat ikalungkot o ikasama ng loob ang ano mang pamimintas na ibato sa'yo ng ibang tao. Sa halip ay gamitin mo ito bilang kalakasan mo."

Malinaw na malinaw sa isipan ni Calistin ang maaliwalas na ngiti sa mukha ng kanyang ina nang mga sandaling iyon. Bagay na hindi niya makakalimutan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

*END OF FLASHBACK*

"Hoy Calistin!" Tawag ng isang lalaki na may hawak na mikropono

Sa gulat, agad na napatayo si Calistin at patakbong lumapit sa lalaking tumatawag sa kanya.

"Sir Mike.." nahihiyang sambit ni Calistin

"Lumilipad na naman 'yang utak mo! Kanina pa kita tinatawag. Focus naman, ano ba? Isang oras na lang performance nyo na." Naiiritang wika ng lalaki. "Ayusin mo na itong mga dapat ayusin at testingin ang mga instruments para walang sabit na mangyari mamaya."

"Opo sir Mike."

Part time job ni Calistin ang pagtugtog ng gitara sa isang banda. Dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ay tumutugtog siya sa iba't ibang bar o event sa iba't ibang lugar kasama ang kanyang mga kabanda. Bata pa lamang ay nakahiligan na niya ang pagtugtog ng gitara kaya naman sinuportahan siya ng kanyang ina sa hilig niyang ito.

Twenty one years old na si Calistin at nagtatrabaho bilang isang Assistant Manager sa isang event organizing company. Masaya siya sa trabahong ito at itinuturing bilang isa sa magagaling na empleyado.

Maliban sa pagpapart time job niya bilang isang gitarista, nagpapart time job din siya bilang isang arnis instructor tuwing weekend kung hindi man sila naka-book para sa isang event sa mga batang may edad anim hanggang labing dalawang taong gulang.

5'9 ang height, maputi, matangos ang ilong, balingkinitan at may bilugang mata si Calistin. Kung pagsasamahin ay tunay na biniyayaan siya ng ganda hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi pati na rin ang kanyang kalooban.

Long sleeves at pantalon. Iyan ang araw araw na suot ni Calistin sa pagpasok sa kanyang trabaho. Hindi mo siya makikita sa labas ng nakasuot ng t-shirt, shorts o ng dress kahit minsan. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan niya ang mga panunuksong pinagdaanan niya noong siya ay maliit pa lamang.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon