Chapter VIII: Ang Hatol Kay CalistinNanlalambot na ang tuhod ni Calistin at gustung gusto na niyang matapos ang pag-uusap na ito ngunit natatakot siya sa maaaring kahinatnan at gawin sa kanya ng reyna.
Nakahanda na sana si Erasmus upang gambalain ang pag-uusap ni Calistin at ng reyna nang biglang muling magsalita ito.
"Ang mga nilalang na may katangiang kagaya ng sa akin ay nararapat lamang na mabigyan ng posisyon at ng pagkakataong ipagtanggol ang ating kaharian." Nakangiting sabi ng reyna
Halos maluha at himatayin si Calistin nang marinig niya ang mga sinabi ng reyna. Ang buong akala niya'y nabuking na nito ang pagigi niyang isang dayo.
"Ang iyong katangian Calistin... Ang pagiging isang matapang at handang magbuwis ng sariling buhay ay mga katangiang dapat na taglay ng isang manananggol. Ito ay isang magandang halimbawa para sa mga kawal upang mapag-ibayo ang katatagan ng ating kaharian."
"Sa iyong mga sinasambit ay tila mayroon kang nais na iparating." Nakahingang maluwag na sabi ni Calistin at mabilis at pasimpleng pinunas ang pawis sa kanyang mga pisngi
"Tama ang iyong sapantaha."
"Tama? Diyos ko kung alam mo lang! Kung anu-ano na kayang naisip ko! Akala ko katapusan ko na no! Halos ma-ihi na ako sa sobrang takot..."
"Napag-usapan namin ng aking anak na si Lidero ang kabayanihang iyong ginawa sa kaguluhan... At hindi na ito naalis pa sa aking isipan."
"Pasuspense ka Reyna Lamara, ano ba talaga?"
"Pinag-isipan ko itong mabuti mula pa noong dapit-hapon hanggang sa sandali bago kita ipatawag ngayon..." Sabi ng reyna sabay lakad pabalik sa kanyanng trono at naupo ito. "Nais kong alukin kang maging isang tagapagtanggol ng Arcania."
Nabigla si Calistin sa sinabi ng reyna. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakasagot.
Habang si Erasmus naman na patuloy na nagkukubli sa isang malaking haligi ay hindi rin makapaniwala sa sinabing iyon ng reyna sapagkat bihira sa mga babaeng Amasdirig ang pumapasa sa panlasa ng reyna upang maging isa sa mga kawal ng Arcania.
Subalit kahit bihira ang mga babaeng kawal ng Arcania, ang ibang kababaihang Amasdirig din ay may runong pagdating sa pakikipagdigma at paghawak ng iba't ibang sandata. Bagay na sinisiguro ng pamunuan ng Arcania upang hindi sila ma-argabyado sa sandaling may manalakay sa kanila.
"Mahal na reyna, isang napakalaking karangalan para sa akin ang iyong mungkahi. Ngunit hindi ko alam kung may kakayahan ba akong gampanan ang responsibilidad na iyong ini-aatang sa akin." Kinakabahang sagot ni Calistin
"Naku naman! Alam ko namang hindi ito pwede! Baka pag mas lumapit ako sa reyna ay tuluyan na niya akong mabuking..."Napahimas sa hitang sabi ni Calistin sa kanyang isipan. "Pero okay din sana 'to para makuha ko ang loob niya... Ang kaso, paano kung mauna niyang mabuking ako kaysa makuha ko ang loob niya? 'Di ko bet mamatay dito!"
"Mayroong sapat na kagamitan ang Arcania upang ito ay iyong magamit sa iyong magiging pagsasanay. At marami ring mahuhusay na kawal ang maaaring magturo sa iyo sa pag-gamit ng iba't ibang sandata at kung paano makidigma." Sabi ng reyna habang nakapatong ang kamay sa armrest ng kanyang trono. "Sa madaling sabi ay magkakaroon ka ng pagsasanay upang maging isang mahusay na manananggol ng Arcania."
"Anong isasagot kooooo! Mapapasubo akoooo! Erasmus nasaan ka ba?!" Natatarantang sabi ni Calistin sa sarili habang mas napapabilis ang paghimas nito sa kanyang hita dahil sa labis na tensyon na kanyang nararamdaman
Nang sandaling nalaman ni Erasmus ang pakay ng reyna kay Calistin ay palihim na itong umalis sa kanyang pinagkukublihan. Ang kanyang tanging pakay lang naman ay ang kaligtasan ni Calistin at ngayong batid na niya ang dahilan kung bakit ito ipinatawag ay panatag na niyang maiiwan ito kasama ang reyna.
BINABASA MO ANG
Sa Mundo Ni Calistin
FantasySa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kina...