ANG LIWANAG

1.2K 102 301
                                    

Chapter XXII: Ang Liwanag

Halos mapaurong na nang mapaurong si Selebos sa sobrang liwanag ng ilaw na nagmumula sa toreng batong iyon.

"Anong nangyayari? Ano ang liwanag na iyon?!" Sambit ni Selebos habang bahagyang sumisilip sa nakaharang niyang kamay sa kanyang mukha

Hindi man niya alam kung ano ang nasa likod ng kakaibang kaganapang ito'y naglakas loob pa rin siyang lumapit kahit na pa-unti unti lamang.

Dahan-dahan siyang lumalapit habang bahagyang nagkukubli sa mga sanga upang kung hindi man mabuti ang nasa likod ng liwanag na iyon ay magkaroon siya ng pagkakataong makatakas.

Ilang minuto na rin ang itinatagal ng liwanag ngunit ni katiting ay hindi pa ito nababawasan. Nababahala na si Selebos sa kung ano ang nasa likod nito dahil naisip niyang maaaring hindi mabuti ang dala nito at maging dahilan ng kapahamakan para sa kanya at sa buong Archimeria.

Matapos ang pag-iisip niyang iyon ay napagdesisyonan niyang huwag nang lumapit pa hanggat hindi nababawasan ang liwanag at hindi niya nakikita kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon.

"Bakit kaya ang tagal mawala ng liwanag na iyon? Ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong pangyayari... Ano kaya ang ibig sabihin nito?" Naguguluhang sabi ni Selebos sa kanyang utak

Nababahala man ay naghintay pa rin si Selebos doon dahil kung hindi man maganda ang dala ng liwanag na ito ay kailangan niyang mabalaan ang bawat kaharian sa Archimeria.

--------------------

Sa Arcania...

Patapos na ang oras ng umaga ngunit hindi pa rin maalis sa isip ng reyna ang mga sinabi ng kanyang taga-payong si Hibuyo.

"Nabuhay nga kaya siya sa mundong pinagpadalahan sa kanya?... Isa pa lamang siyang binhi noon at halos isang pagbilog pa lang ng bwan ang kanyang itinatagal sa sinapupunan, nakayanan nga kaya niyang mabuhay?" Kunot noong sambit ng reyna sa kanyang isip habang nakaupo sa kanyang trono

Tumayo ang reyna at naglakad patungo sa kaliwang bahagi ng bulwagan kung saan naroon ang isang malaking parihabang bintana at makikita ang isang magandang tanawin sa kanilang kaharian.

"Kung nagawa nga niyang mabuhay doon, malabong siya'y makabalik dito sa Arcania... Maliban sa wala siyang alam tungkol sa lugar na ito ay wala ring paraan upang mabuksan ang lagusang nagdala sa kanya doon..." Malalim na pag-iisip nito

Humigpit ang pagkakahawak ng reyna sa bintana. "Kailangan kong malaman ang katotohanan." Sambit ng reyna sabay mabilis na paglakad palabas ng palasyo kasunod ang dalawa niyang tagapagsilbi

Naguguluhan man ang dalawang tagasilbi ay sumunod lamang sila sa reyna.

Diretso at mabilis ang paglalakad ng reyna at halos hindi na bigyan pa ng pansin ang mga nilalang na bumabati sa kanya. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabagabag ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang tikas.

Malayu-layo na ang nalakad ng reyna at mahahalata sa mukha ng dalawa nitong tagasilbi ang pagtataka. Kumukonti na ang mga bahay na kanilang nadadaanan maging ang mga nilalang na kanilang nasasalubong.

"M-mahal na reyna..." Tawag ng isa sa dalawang tagasilbi. Nakapusod ang buhok nito at may suot na hapit na kulay kayumangging pang itaas at hapit na paldang lampas tuhod. "Lumalayo na tayo sa palasyo, mapanganib ito para sa inyo lalo't wala tayong kasamang kawal." Pag-aalala nito

Hindi sumagot ang reyna at walang anu-ano'y bigla na lamang itong tumigil sa tapat ng isang maliit na bahay na bato.

"Maiwan kayo dito sa labas... Ako lamang ang papasok." Utos ng reyna

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon