MGA NILALANG SA LOOB NG TORE

1K 98 106
                                    

Chapter XXIII: MGA NILALANG SA LOOB NG TORE

Nagtungo ang reyna sa pook talaan ng palasyo.

"Kailangan ko ng katibayan kung dito nga ba isinilang si Calistin..." Sambit ng reyna habang mabilis na naglalakad

Nang marating niya ang lugar na layon niyang puntahan ay agad siyang pumasok.

"Iwan mo muna ako." Sabi nito sa tagapangalaga ng silid na si Satalya

Agad namang lumabas ng silid si Satalya na may pagtataka sa kanyang mukha.

Iniikot ng reyna ang kanyang paningin sa loob ng malawak na silid na puno ng 'di mabilang na kalatas na nakaayos sa matataas na batong aparador. Ang iba sa mga mahahalagang kalatas ay nakasabit sa dingding upang madali itong makita at mabasa.

Huminga ng malalim ang reyna at nalanghap ang kakaibang amoy ng mga kalatas.

Hindi na siya nagsayang pa ng panahon at agad na tinungo ang parte ng silid kung saan nakalagay ang talaan ng mga nilalang sa Arcania na nauna nang makita ni Waniru at doo'y nagsimula na siyang magsaliksik.

Naging masigasig ang reyna sa pag-isa isa sa talaan na naglalaman ng mga pangalan ng nilalang sa Arcania.

Habang palayo nang palayo ang kanyang inuungkat na mga pangalan ay kinukutuban na siyang hindi nga niya makikita ang pangalan ni Calistin sa talaan.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso at mas pinaigting pa niya ang pagbabasa ng mga pangalan sa talaan.

Sa malayo ay natanaw ni Satalya ang reyna. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito ngunit hinayaan lamang niya ito hanggang sa biglang pumasok sa kanyang isip si Waniru na kamakaylan lamang ay nanggaling din sa pook talaan.

Napaisip si Satalya dahil sa tagal niyang pagiging isang tagapangalaga ng talaan ay ngayon lamang nangyari na may magkasunod na nilalang na nagtungo sa iisang bahagi ng talaan.

"Ano kaya ang nais nilang malaman at nadadalas ang pag bisita ng mga nilalang sa bahaging iyon ng talaan?" Naguguluhang sambit ni Satalya sa sarili

--------------------

"Napakaliwanag!" Sigaw ni Selebos sa kanyang isip. "Kailangan kong makita kung sino ang mga nilalang na iyon."

Bahagyang umiinit ang paligid dahil sa liwanag na nanggagaling sa mataas na tore na ngayo'y tila natutunaw na.

Nakaramdam si Selebos ng pananakit sa kanyang balat. Pakiramdam niya'y binabanat ang mga ito.

"Masyado nang mainit ang paligid... Hindi ito maganda para sa akin."

Nangamba siya para sa kanyang sarili dahil ang mga katulad niyang Enadiwa ay hindi maaaring magtagal sa isang lugar na mainit at malayo sa tubig. Ngunit pinili niyang manatili pa sa pagnanais na malaman kung sino ang mga nilalang na nanggaling sa liwanag mula sa tore.

Dahan dahan siyang lumapit at lumihis ng bahagya ng direksyon upang kahit papaano'y makita niya kahit ang gilid lamang ng mukha ng mga nilalang na iyon. Ngunit dahil pa rin sa liwanag ay hindi niya makita ng tuluyan ang wangis ng mga kahina-hinalang nilalang na iyon.

Tahimik ang paligid at tanging ang mga nag-uumpugang dahon lamang ang maririnig.

*SELEBOS' POV*

Mas tumitindi ang nararamdaman kong hapdi sa aking mga balat at tila ba nanunuot na ito sa aking laman. Tila ba may malapit na apoy sa akin at sinisilaban ang aking balat sa katawan ngunit kailangan kong manatili dito hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang mga nilalang na ito.

Sa Mundo Ni CalistinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon