I took a quick glance at Gelo who was playing a game on the tablet I handed over to him this morning before we left the house.
Napangiti ako nang maalala kaninang umaga sa kotse.
"Here."
Umiling ito sa backseat. "Wag na po, Tito. Magagalit si Mama ko."
"Nag-usap na kami ng mama mo kagabi. Pumayag na siya."
Tiningnan n'ya ako nang may pagdududa. Maki-ina talaga.
Kunsabagay, ganyan din ako when I was his age. Mas gusto ko pang magalit si Dad kesa kay Mommy. Si Dad kasi, grounded lang. Si Mommy with additional emotional blackmail and nagging.
Ang ingay kaya ng mga nanay!
I cleared my throat, "Totoo'ng sinasabi ko, Gelo. Di ba, nag-uusap na kami ng mama mo kaninang bago s'ya pumasok sa school? Binilin ka pa nga sa akin."
Tiningnan n'ya ako. Yung tingin na palagi kong nakikita sa kanya na alam kong kaunti na lang maniniwala na s'ya.
"Bati na kami, promise."
Ngumiti s'ya nang tipid. Ngiting pamilyar sa akin. I mean, kapag ngumingiti nang ganun si Gelo, may kamukha s'ya. Hindi ko lang maalala kung sino.
Si Kennie? Naikiling ko ang ulo. Ah, palagay ko nga. Palagi kasing tipid lang ang ngiti ng babae. Hindi ko pa nga narinig tumawa yun.
"Good boy!" I said then patted his head nung kunin n'ya ang tablet sa kamay ko. Binuksan ko na yun at itinuro sa kanya kung saan ang icon ng mga games. "Pili ka na lang d'yan ng games, okay?"
Lumapad ang ngiti ni Gelo.
"Yes!" medyo napalakas ang boses ng bata sabay taas nang isang kamay.
Malamang nanalo sa isang nilalaro n'ya.
I chuckled while slowly shaking my head.
Kids and their gadgets!
"Para talaga kayong mag-ama, Engineer."
Napaangat ako ng tingin sa assistant engineer ko na katabi ng foreman.
Napailing na lang ako sa kanila habang natatawa. "Ewan ko sa inyo."
Nagpaalam ako saglit kay Gelo na mag-iikot kami sa site. Nag-thumbs up lang sa akin at agad na ibinalik ang atensyon sa nilalaro.
Ibinilin ko na rin sa isang tao ko na tanaw-tanawin ang bata sa container van na gamit namin as temporary office. Mainit ngayon dahil summer. Mas ayos na dito lang s'ya dahil naka-aircon.
"Baka magalit si Ms. Kennie kapag nalaman na pinaglaro mo si Gelo," kaswal na sabi ng assistant engineer ko nung paakyat kami sa second floor ng building.
"Nag-usap na kami kanina," sagot ko at pahapyaw na sinabi ang usapan namin ng babae.
Napatangu-tango ang dalawang lalaki.
"Nabigla kami kagabi. Di kami sanay na nagtataas ng boses si Ma'm Kennie," komento ng foreman. "Napaaga tuloy kami ng tulog. Akala namin magkakagyera."
Natawa nang mahina ang dalawa.
I chuckled, too.
"No, hindi ang tipo ni Kennie ang nakikipag-away."
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
General FictionDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...