Nagsimulang umapaw ang pangamba sa puso ko. Kasi, siguradung-sigurado s'ya sa sinabi.
"A-ako naman t-talaga ang n-nanay ni Gelo," pilit kong pinatatag na salag sa sinabi n'ya.
"Really?!" sarkastiko n'yang sabi.
Humakbang si Mike palapit sa akin kaya umatras ako.
"You mean, nagsisinungaling si William Garcia?"
Tumango ako nang walang katatagan. Galing na mismo sa tatay ni Gelo ang impormasyon. Pero ilalaban ko kung ano ang piangkasunduan naming ng pamilya ko. Hindi maaaring mabalewala ang lahat ng sakripisyo naming para mapanatiling ligtas si Ate Racquel at si Gelo.
"N-namatay na ang. ..ang a-anak ni William at A-ate. N-nakita mo na ang record n'ya sa ospital. A-at b-birth certificate ni G-gelo."
"You can't even say your argument without buckling, Kennie."
"T-tinatakot mo kasi ako."
"Bakit ka matatakot kung totoo ang sinasabi mo? You must be lying!"
"Anak ko si Gelo!" nabigla kong sabi.
Napaatras uli ako dahil humakbang na naman si Mike palapit sa akin.
"So, Garcia is a liar, is that what you're saying?"
Di ako makasagot.
"Or maybe, let's prove him wrong, shall we?"
"Ha?"
Bumaba ang mata ni Mike sa dibdib ko, kaya naitakip ko ang dalawang kamay doon.
Lalong dumagundong ang puso ko.
"A-anong g-gagawin mo?"
"Let's find out if you really gave birth to Gelo."
"Ha?"
"We'll do it. Unless you had Gelo via immaculate conception, then your hymen should—"
Pumaling ang mukha ni Mike. Bumakas ang marka ng palad ko sa pisngi n'ya.
Ako man ay nabigla. Ito ang unang pagkakataon na nanakit ako.
Kasabay nun ang pagbalot ng takot sa akin. Bumangis ang mukha ng lalaki.
Baka lalo akong mapahamak. Naalala ko ang sinabi noon ni Papa at Mama.
"Huwag kang mananampal ng lalaki lalo't kayo lamang sa iisang silid. Ilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan."
"S-sorry... sorry, Mike," dagli kong bawi.
Dinaklot n'ya ako sa magkabilang balikat. Nangatal ang baba ko.
"See what I mean, Kennie? Just mere words offend you a lot. Words that are not really obscene."
Napamata ako sa kanya.
"Now I'm really sure. I was your first kiss. Kaya ganun na lang ang pag-iyak mo nang gabing yun. You are Gelo's aunt."
"H-hindi tot—"
"Sige, ituloy mo pa ang pagsisinungaling sa akin," nanggigigil n'yang bulong. "Papatunayan ko sa iyo ngayong gabi na birhen ka pa!"
Biglang tumikom ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Ficción GeneralDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...