Okay, mga chichi! Here's a 4,800+ words UD for you. Simula na ang pag-akyat sa climax.
=============
Napag-usapan man namin ang posibilidad na ito, pero parang naubusan pa rin ako ng lakas sa narinig. Lalo na at,
"Mike, you have to be at the regional hospital of Bataan early morning tomorrow," dugtong ni Ralph na may isa pang dokumentong inabot.
"Gelo, halika sa itaas. Palit ka ng damit," si Michelle.
Tumango ako sa kanya nang tapikin ako sa balikat. Alam n'yang maselan ang pag-uusapan namin.
"What's that?" si Tito Pab habang nakikibasa sa hawak na papel ng anak.
Nalukot yun nang maisama sa pagkuyom ng kamao ng lalaki.
"Court order for DNA testing," si Ralph uli. "Dr. Garcia will be there, too, to give his sample."
"How about Gelo? Hindi ba dapat ay may consent ni Kennie dahil s'ya ang nakarehistrong ina?" si TIta Dolly.
Umiling si Ralph, "Isa pa po iyan sa inilaban namin. But..." tiningnan ako ng abogado. "You have been ordered to submit your own DNA sample to prove that you're the mother. So, you are part of it."
Naiyak na ako.
"Mama?"
Natahimik kami.
"Bakit ka umiiyak po?" nasilip s'ya sa mezzanine.
"Wala, Gelo. May... ano..." di ko alam ang sasabihin.
"Wait here," si Mike tapos inakyat si Gelo at Michelle.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba silang tatlo. Naka-swimming trunks na ang anak ko.
"Mama...?"
"Oh?"
"Su-swimming lang ako po. Wag ka na iiyak, ha? Si Tito Mike na daw ang bahala po."
Nalukot ang mukha ko sa pagpipigl na hindi umiyak sa harapan ng anak ko. Di ko napigilang yakapin si Gelo at halikan sa noo.
Sumama na si Michelle at Kuya Gerry sa itaas.
Saka kami nag-usap uli. Doon ko nalaman na dalwang hearing na pala ang naganap sa Bataan. Si Mike palagi ang naroon. Yun marahil ang naikwento ni Nanay Mila na kapag naroon ang lalaki ay nagpupunta lagi sa munisipyo at may kasamang abogado.
Hindi ko na kinuwestyon kung bakit wala s'yang binabanggit sa akin. Alam ko na ang isasagot ng lalaki.
"We're able to dodge the kidnapping case. What we have now is the custody rights of the child," paliwanag ni Ralph. "Dr. Garcia presented the medical records of your sister. From pre-natal to child birth. Like what we fear, your sister's doctor has witnessed for him. Nagpasa s'ya ng affidavit na ang ate mo talaga ang nanay ni Gelo. Na hindi talaga namatay ang bata when she performed the emergency CS sa kapatid mo. At kasama sa affidavit n'ya ito. Ang original but unregistered birth certificate ng bata. Here's the photocopy."
Hindi ko na inabot. Nakita ko na yun noon pa. Kami ang hindi nagparehistro nun. Ibinalik nina Papa sa doktor ni Ate Racquel dahil pinapalitan sa pangalan ko. Kinuha ng doktor ang kopyang una. Hindi ko inaasahan na lalabas uli ang nasabing birth certificate.
"Ang original birth certificate ang pinarehistro ni William na may paternal acknowledgement n'ya," dugtong ni Ralph. "Our case is getting weaker since... the same doctor signed the birth certificate under your name as Gelo's mother."
Nasapo ko ang mukha sa palad.
Inakbayan ako ni Mike na katabi ko sa sofa.
"If we sue the doctor, Ralph?" singit ni Tito Pab."At least to scare her about losing her license."
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
General FictionDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...