Ang selebrasyong pinuntahan namin kina Rob at Juno ay binyag ng bunso nilang si Thunder, tapos isinabay pa ang kaarawan nito at ni Juno. Ang daming bisita na karamihan ay mga adult na.
Sa usap-usapan ng mga naroroon, nalaman ko na hindi pala anak ni Juno si Robin. At nalaman ko naman kina Aris na,
"Yang mga kausap ni Juno, si Paul at Troy. Best friends n'ya, kaaway dati ni Rob. Yung malaking grupong yun, mga kasama nilang magkakaibigan sa drag racing."
Nanlaki ang mata ko. "Delikado yun, di ba?"
"Baliw yang asawa ni Rob eh," si Mike. "Hirap na hirap si Agoncillo itali sa kanya yang kapatid ni Andie. Naalala mo yung sinabi kong di ako makakapunta sa Bataan kahit schedule ko sa site?"
"Oo."
"Laban nilang mag-asawa yun. Sa drag racing n'ya dinaan."
"Talaga?"
"Yup. Juno's a top driver. Silent leader yan ng community nila. Pero si Rob ang nanalo sa karera nila."
"Ang galing pala talaga ni Rob," humahanga kong sabi.
Nilingon ako ni Mike na kunot-noo, "Hindi. Nagpatalo talaga si Jun."
Bakit parang nagsungit? Galit ba ito?
Di na ako nagtanong uli. Baka may masabi na naman akong ikagalit n'ya na di ko alam kung bakit.
At aliw na aliw ako nung sorpresahin ni Juno ang lahat lalo na ang asawa na dalawang buwan itong nagdadalantao.
Napahagikhik ako nung pigil na pigil ni Rob ang pag-iyak tapos nung tinukso ng mga bisita ang mag-asawa na mag-kiss,
"Yaaak!" parang nandidiring sabi ni Juno na itinakip ang palad sa mukha ng asawa.
Wala rin namang nagawa ang babae nang halikan s'ya ni Rob. Pasimple akong nag-iwan ng tingin.
May naaalala ako sa ganung klase ng halik.
Iniakbay ni Mike ang kamay sa sandalan ng upuan ko, "Ngayon lang kita narinig tumawa ngang ganyan."
"Nakakatuwa kasi silang mag-asawa. Tapos si Rob, di bagay umiyak pero ang cute na ewan."
"Tss. Ang pangit kaya."
Napanguso ako. "Gwapo naman si Rob."
Madilim na ang mukha n'yang tumingin sa akin, saka mahinang sinabi, "Gusto mo ba si Agoncillo? May asawa na yan at si Juno pa. Gusto mong ipakausap kita sa secretary ko para malaman mo ang sinasabi mo ngayon?"
Hala, bakit s'ya nagagalit? Masama bang pumuri?
Di na lang ako nagkomento uli. Baka tuluyang masira ang mood nito ganyang nagkakasiyahan ang lahat dito.
Gabi na kami nakauwi. Nakatulog na nga si Gelo sa byahe pa lang. Napagod ito sa pakikipaglaro sa mga batang naroroon.
Nanatili ako kina Tita Dolly nang ilan pang araw bagaman kailangang bumalik ni Mike sa Bataan para bisitahin ang paggawa sa dating puwesto nina Mang Donald. Kasama na ako sa paghatid at pagsundo kay Gelo sa pribadong paaralan na pinapasukan n'ya ngayon.
Gusto kong mahiya nang makita ang bago n'yang school. Siguradong mataas ang matrikula. SA uniform pa lang ng anak ko at mga aklat n'ya, halata na.
Tapos, wala akong inilabas kahit isang kusing. Inako ko na rin ang pagtuturo at pag-aalaga kay Gelo, tutal wala akong ibang ginagawa. Kapag may pasok s'ya, minsan ay isinasama ako ni Tita Dolly sa pagbisita sa mga hardwares nila, at mga paupahang row apartments at ilang commercial spaces.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
General FictionDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...