38 Mark

684 45 19
                                    

  5,100k+ words UD for you, mga chichi! Huwag umasa sa edit lalo't ganyang karami at antok na antok na ako. LOLZ .

===================

"Uuyyy!"

Humugong ang panunukso nina Allan, Foreman at mga tauhan ng MonKhAr.

Paano itong si Mike, kinabukasan nung paglabas ko sa kuwarto, nakaabang sa kusina. May hawak na gumamela. Mukhang pinitas lang mula sa tanim sa bakuran namin. Tapos inabot sa akin at walang sabi-sabi, nanghahalik sa labi.

Dampi lang naman tulad kagabi, pero kahit na.

Nakakahiya!

Pati si Kuya Gerry na nakaupo sa bintanang capiz, natatawa.

Sa sobrang inis ko na ewan, tumalikod ako pabalik sa kuwarto. Di ko pinansin ang pagbati nya nang, "Good morning, sweet!"

"Oy, teka lang!" habol ni Mike.

Mabilis akong hinablot sa balikat para akbayan pabalik sa kusina, papunta sa dining.

"Michael Angelo, nakakainis ka na!" gigil-bulong ko."Kagabi ka pa halik nang halik!"

"Tss. Para yun lang. Halika na. Kain na tayo."

Nagpipigil ng mga ngisi sina Allan sa may hapag-kainan. Di ko man ugali, napairap ako.

"Guys, bati na kami," anunsyo ni Mike. "Di ba, sweet?"

Dios mio ang lalaking ito! Kita na ngang nahihiya ako, inungkat pa!

Di n asana ako magre-react kaso sumingit si Foreman.

"Alam naman namin. Lumabas kagabi yung dalawang tao ko kasi may narinig silang nabasag d'yan sa labas... eh mukhang iba ang nakita nila sa may pintuan."

Hala ka!

"M-mike, mamaya na 'ko kakain," bulong ko.

"Hindi pwede. First breakfast natin as official couple. 'Lika na. Huwag ka mahiya sa mga 'yan. Ikaw may-ari nitong bahay eh," pabalewalang sagot nito.

Wala na akong nagawa nung ipaghila na n'ya ako ng upuan sa kabisera ng mesa.

Kahit si Mike ang tila tumatayong namumuno sa bahay, ako pa rin ang pinapaupo n'ya sa dating pwesto ni Papa sa hapag-kainan.

"Sayang. Sana andito si Kulit," sabi nang isang staff ni Mike sa

Bigla akong sinukob ng lungkot. Si Gelo ang tinutukoy nito.

Tumikhim si Mike, "Ahm, ganito. Guys, listen."

Dun na n'ya sinabi sa mga tauhan n'ya na pansamantala s'yang papalitan nang isang senior engineer ng kumpanya. Ngayon pa lang umaga itinawag ni Mike kina Aris at Jeff. Ipaaalam ng sekretartya n'ya mamaya kung sino at kailan darating.

"May emergency ba sa office, Mike?" tanong ni Allan.

"Wala naman. May importante lang na aasikasuhin."

"Dadalaw ka badito? Paano si Ms. Kennie?"

Nagkatinginan kami ni Mike.

"Kasama ko s'ya. We'll be back after everything's done. Hopefully with Gelo," tapos tumikhim uli si Mike. "Gusto sana naming dito gawin tulad sa naunang plano paa imbitado kayo pati mga taga-rito, pero--"

Hindi n'ya naituloy ang sasabihin. Pinisil ko ang hita nito sa ilalim ng lamesa. Ayokong lalong madidiin ang kaibigan ko.

Tila naunawaan agad ng mga tao n'ya ang sitwasyon.

"Ayos lang yun, Engineer. Alam naman namin kung bakit."

"Basta pagbalik n'yo, magpakain kayo."

Pati ako ay natawa sa pangangatiyaw na yun.

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon