Hindi ko alam kung gaano na katagal mula nang sabihin ni Mike ang huli n'yang linyang,
"No, I'm going home now. Don't sleep. Wait for me."
Heto at nakatulala pa rin ako sa tapat ng laptop. Wala na akong kausap dahil agad n'yang pinutol ang koneksyon ng video call.
Ang bilis. Ang bilis nang mga pangyayari. Kasi di ko na namalayan ang oras habang nakaupo sa dining, nakatulala sa laptop. Binabalikan ang pag-uusap namin ni Mike.
Sinusuma ko ang mga nangyari mula noong mangyari ang sunog hanggang kanina.
Ang isang desisyong ni hindi ako nagdalawang-isip noon na iligtas s'ya... pinalitan n'ya at mga tao sa paligid n'ya nang walang katapusang kabutihan. Kabutihang walang pagpapanggap. Walang panghuhusga. Walang antas sa lipunan na tinitingnan. Tumutulong at lumalaban para sa aming mag-ina.
Sa takbo ng usapan namin kanina at pagmamadaling umuwi ni Mike ngayon, kahit dis-oras na s'ya ng gabi makakarating dito mula Bataan, tila isa ang inaasahan n'yang kahihinatnan.
Napapikit ako.
Unang pumasok sa imahinasyon ko ang simbahan. Napahawak ako sa buhok na ini-imagine na suot ko ang belo nang isang madre.
"Roqueña, bunso. Nasa sa iyo ang desisyon."
"Alam namin, nalilito ka. Ganun talaga. Nanggaling na ako sa kinalalagyan mo ngayon."
"Nasa sa iyo kung pipigilan mo, Kennie."
"I'm Engr. Michael Angelo Montecillo Sr. And this little man here is our boy. Michael Angelo Jr."
"I am. I claimed Gelo, did you forget?"
"Everything will be fine, iha. You are already family."
"Kayo ni Gelo ang nagpapirmi kay Michael ko sa bahay."
Nalilito ako. Samu't-sari na ang naglalaro sa utak ko. Di ko na nga napansin na tumayo si Kuya Gerry mula sa panonood ng palabas sa cable. Basta nakatingin lang ako nung buksan n'ya ang pinto para patuluyin si Mike.
Ilang oras na ba ang lumipas? Dalawa... Tatlo?
Malamang pero di ko napansin sa dami nang iniisip ko. Sa sobrang dami na na nakakalito na, nakakablangko ng isip.
Saglit silang nag-usap ni Kuya Gerry tapos lumabas na ang bantay namin.
Yung tuliro kong isip, lalong nabulabog nang humarap na si Mike sa akin matapos ilapag ang dalawang bag na dala sa sofa.
Ngumiti nang tipid.
Ngiting nagkaroon nang pag-aalinlangan dahil wala akong naging reaksyon.
Ano'ng magagawa ko?
Mali. Hindi ko pala alam ang gagawin. Para nga akong natuod na sa pagkakaupo sa dining tapos humakbang na s'ya palapit.
Naghahalo ang kaba, di maipaliwanag na excitement, pagtatalo ng kalooban at pagkalito habang magkahugpong ang mata namin.
Ang lahat ng emosyon yun ay nagkarambola na nang tumupi ang isang tuhod n'ya sa harap ko. Tumikhim.
"Kennie, sweet..."
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Ficción GeneralDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...