11 Unconsciously

500 35 2
                                    


Kumabog agad ang dibdib ko, "Yung mag-ina?"

"Their safe. Paparating na rin ang mga police."

I ended the call after that. Saka ko tinawagan si Kennie.

"H-hello?"

"Kennie, ayos lang ba kayo ni Gelo?" yun agad ang bungad ko.

"O-oo."

"Si Gelo. Umiyak ba?"

"Ah...h-hindi naman. Medyo natakot pero okay na s'ya. M-mike?"

"Oh?"

"S-sino... B-bakit may lalaking tumulong sa amin?"

Napakagat ako sa labi. Ayokong umabot sana sa ganitong sitwasyon. But this was the purpose I agreed that mother and son need protection.

"I'm sorry. Hindi ko sinabi sa iyo."

"Kailan pa?"

"Mula nang makalabas tayo saospital," napabunting-hininga ako. "Pasensya na kung di ko sinabi. Baka kasi tanggihan mo uli or mailang ka."

"S-sige. S-salamat."

Napabuga ako nang marahas sa bibig pagkatapos ng tawag na yun. Kennie is still rattled but trying to contain it.

Habang nasa biyahe, ilang ulit akong umusal ng dasal para magpasalamat na ligtas ang mag-ina.

Nakausap ko na rin si Rob at papunta na rin ito sa Bataan.

Tumawag na rin ang assistant engineer ko. May nakapagbalita raw sa kanila na may nangyari sa bahay nang makita ang mga pulis na dumating.

"May dalawa ako na pinauwi muna para tingnan ang bahay," angsabi. "At dalawa para puntahan yung mag-ina sa presinto. May kasama raw silang dalawang lalaki paglabas ng bahay eh."

Nagpasalamat ako dito.

Sa presinto ako dumiretso. Halos sabay lang kaming nag-park ni Agoncillo sa tapat nun.

He and his freaking sports car. Magkatapat talaga sila ni Jun! Tss!

Sabay na kaming pumasok. Hinanap agad ng mata ko ang mag-ina.

Sinalubong kami ng agent ni Rob.

"Umuwi na sila, kasama yung dalawang staff mo sa site" ang agad na sabi na tila nabasa ang isip ko.

"What?!"sabay naming tanong ni Rob.

Niyaya na kami sa loob.

Sa paliwanag ng mga pulis, hindi raw ang lalaking nanloob ang nakita ni Kennie na umatake sa Enrico. Magkalayo raw sa taas at pangangatawan.

"Ang gusto nga nung suspek, kasuhan ito," turo sa agent ni Rob. "Physical injury."

"I contracted him as a security detail parasa mag-ina," salag ko agad.

"Oo, naipaliwanag na sa amin. Nakumpirma na rinn amin. Ang Agoncillo Security and Investigation Agency rin naman ang private counterpart namin sa nangyari dyan sa Enrico," sagot nung hepe. "Hindi naming puwedeng idiin yung tao sa parehong kaso dahil yung mismong witness na ang nagsalita."

"Ano'ng kaso ang pwedeng isampa?" tanong ko.

"Trespassing lang. Walang matibay na ebidensya para sa attempted robbery. Ang bilis ng tao n'yo na masukol eh. Kuwento nung ina, kaya nga raw natakot yung bata, kasi nagkalabugan sa itaas habang nagbibihis sila papalis. Paglabas raw nila sa kuwarto, kaladkad na pababa sa hagdan yung suspek," tapos tumingin sa agent ni Rob at bahagyang natawa. "Sana pinuruhan mo na.Yung saktong di na makakaulit."

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon