30 Pangalawang Ina

621 36 10
                                    

"Nakaalis na sa hotel ang mag-asawa. Get ready," narinig kong sabi nung KC.

Siya rin ang naaalala kong nag-manage sa inauguration party ng MonKhAr.

Naka-jacket kaming mag-ina habang naghihintay sa lugar na yun pasado alas-singko ng umaga. Malamig dala ng hanging dagat na overlooking sa lugar na yun.

Maaga kaming gumising para sa sorpresang ito.

Sorpresang nais kong kaiinggitan nang matanawan na namin ang babaeng ikakasal na may piring sa mata, akay nang isang may edad na lalaking ngayon ko lang nakita.

Namangha ako nang mahina at payaphaw na sinabi ni Mike kung sino si Mr. Sorriente. Gayundin kung ano ang meron sa lugar na ito.

Napakaswerte ni Juno kay Rob. Hindi lahat ng lalaki ay mauunawaan ang gusto mangyari ng kapatid ni Ms. Andie. Dito pala ang espesyal na lugar sa unang pag-ibig ng mapapangasawa ni Rob.

Naliwanagan ako nang marinig ang wedding vow ni Rob kay Juno.

"I know how some would find it crazy that I agreed that we have our wedding in this place, Love," pigil ang luha ng lalaking nakatingin sa asawang umiiyak na. "He was my greatest rival, yet he brought you back to me and Thunder... and Robin. That I am very greatful. Without Caloy, this union of ours may have not happened. You may still be sleeping or worst..."

Hinaplos ni Juno ang mukha ng asawang hindi natapos ang sasabihin dahil nagpipigil ng iyak. Pinalis nito ang luha ni Rob.

"I was his greatest rival, but still, he woke you up for me. I know he wanted you to have a new happy life despite him leaving you so early. He knew I can make it happen. Reason I chose to marry you when the sun is rising... because this is a new life for you, with me...with our demigods."

"I know, Maw... and I love you more because of that."

"And I love you most, Dyosa ko... for the rest of my life and after it."

Mali pala ako nang pananaw. Kahit tila may halong komedya ang kasal nila, kitang-kita na mahal na mahal nila ang isa't-isa sa kabila nang pagsusungit ni Juno.

Naiiyak ako habang nakikinig at nanonood. Naiinggit.

Teka... naiinggit? Ako?

Napatingin ako sa kamay kong biglang uminit. May mas malaking kamay na gumagap dun mula sa kandungan ko.

Kandong n'ya si Gelo na medyo inaantok pa.

May tumikhim sa likod namin.

Isang nakangising si Sir Jeff at Ralph ang nakaupo dun, pero di sa amin nakatingin. Di ko man alam kung sino ang tumikhim, nag-init ang mukha ko.

Pasimple kong hinila ang kamay ko pero hindi pinakawalan ni Mike.

May nagpigil nang tawa sa likod. Pakiramdam ko talaga kami ang pinatutungkulan nun.

"Mike..." hila ko uli kaso lalo n'ya lang hinigpitan.

"You're cold."

"Hindi. Ayos lang ako."

"Tss."

Binitawan nga ang kamay ko. Pero iniurong ang upuan n'ya padikit sa akin, tapos iniakbay ang braso sa sandalan ng upuan ko.

"Mga galawan eh," parinig galing sa likod.

Lumingon si Mike sa mga kaibigan.

"Fuck off!" mahina n'yang sabi sa mga ito.

Nailang ako sabay tingin kay Gelo. Mukhang di naman n'ya pansin ang sinabi ng lalaki. Mas nakatuon ang atensyon n'ya sa magandang paligid na kanina ay itinago ng dilim na ngayon naman ay pinakikinang ng bukang-liwayway.

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon