15 Blow the Candle

563 36 12
                                    


In-excuse ko si Gelo na hindi makakapasok ngayong araw.

Kailangan n'yang ipahinga ang musmos na isip at damdamin sa katatapos na kumprontasyon. Dahil ako mismo na matanda na, tila naubusan ng enerhiya sa mga nalaman at angyari.

Nagdesisyon akong lumiban na rin sa klase.

"Pasyal tayo, baby," sabi ko sa kanya. Papunta kami sa parking kung saan ang kotse ni Mike. "Bonding tayong dalawa, buong araw."

Nagningning agad ang mata n'ya. "Talaga po?"

Napangiti ako.

Bumaling s'ya kay, "Tito Mike, sasama ka po?"

"Ihahatid ko na lang kayo kung saan kayo mamamasyal," tipid na ngiting sagot n'ya."Kailangan ko na talagang bumalik sa Maynila."

"Ay..." napanguso si Gelo papasakay sa likod ng kotse.

"Babalik ako sa isang araw. Birthday mo, di ba?" sagot ni Mike nung nakaupo na kaming dalawa sa harap.

Nanlaki ang mata ng anak ko, tumingin sa akin, "Birthday ko na talaga, Mama? Five na po ako?"

Natawa ako. "Oo. Sabay na natin mamili mamaya para sa handa mo."

"Tito Mike, kasama mo po si Tita Mommy tsaka si Tito Daddy, di ba?"

"Baka mauna sila. May meeting kami nina Aris sa bagong project namin dito sa Bataan."

"Uhm, a-anong oras dadating sina Tita Dolly?" nag-aalangan kong tanong.

Masama ang loob ni Mike sa akin dahil pnalampas ko ang ginawa ni Miss Quintos. Ngumingiti lang ito kapag si Gelo ang kausap pero kapag ako, matipid lang ang sagot at seryoso pa. Gaya nito.

"Before five in the afternoon."

Kailangan ko palang makapagluto agad kahit papaano. Hindi bale. Nakauwi na ako bago mag-alas dos ng hapon. Magpapatulong na lang ako kay Nanay Mila. Ganun din si Estrel. Nagsabi na ito na maagang mag-a-out sa trabaho nang sabihan ko tungkol sa birthday ni Gelo.

"I-ikaw? Ano'ng oras ka dadating?"

Saglit n'ya lang aking tiningnan bago ibinalik ang mata sa pagmamaneho, "

"Mga before seven."

Di na ako nagtanong uli. Mahahalata na ni Gelo na galit sa akin si Mike. Ayokong masira ang magandang pakiramdam ng anak ko matapos ang ilang araw na sama ng loob na kinimkim n'ya.

"Saan ko kayo ihahatid?"

"Uhm, uwi muna kami. Magpapalit."

Naka-uniform pa kaming mag-ina.

Sa isang public park na may playground kami nagpahatid. Gusto kong dalhin si Gelo sa mga lugar na pinagdadalhan sa amin nina Papa at Mama noon.

Nang umalis si Mike, nakita ko na si Kuya Gerry na isang di halatang distansya. Nagtanguan kami.

Nakakatuwang panoorin si Gelo. Mas masaya s'yang makihalubilo sa mga estrangherong bata kaysa sa mga sariling kaklase.

Minsan talaga, mas madaling makitungo sa mga di nakakakilala sa iyo. Walang panghuhusga sa pinanggalingan o pinagdaanan mo. Mga panghuhusga kahit di naman talaga nila alam ang totoo.

"Mama, uhaw ako," tumatakbo itong bumalik sa bench na inuukopa ko.

Inabot ko sa kanya ang bottled water. Tapos pinunasan ko ng pawis.

"Kain ka muna nitong banana-q. Binili ko doon kanina."

Natawa ako na halos iisang kagat n'ya yung saging. Tapos nagmamadaling tumakbo pabalik sa mga kalaro.

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon