Tila nakaabang na rin ang ilang tauhan ni Mike na nanatili sa may dining. Itinigil nila kanina ang panonood ng teleserye para binigyan kami ng privacy ni Sir Mar sa sala.
Hindi ko malaman ang gagawin.
Natatakot ako na baka mag-away na naman ang dalawa. Lamang ang boses din ni Mike ang nagbigay sa akin ng lakas para gumalaw mula sa pagkakaupo.
"Sweet, come here," inilahad n'ya ang kamay.
Tumayo ako at nagpasintabi sa lalaki para lumapit kay Mike.
"K-kennie...?" may pagtutol sa tinig ni Sir Mar.
Inabot ko ang kamay ni Mike. Mahigpit n'ya yung ginagap. Di na ako nakaangal pa nang hilahin n'ya ako sa kanya at halikan nang magaan sa labi.
"Hey," n'yang untag dahil napatulala ako sa kanya.
Saka ako parang natauhan.
"No crying," mahina n'ya uling paalala. "That was just a quick one."
Gumapang ang init sa mukha ko.
"K-kennie... ano'ng... bakit?" litong tanong ni Sir Mar nang lingunin ko s'ya. "Akala ko ba--?
"Akala mo ano?" pambabara ni Mike. "Get out, Belmonte. Wala ka nang babalikan dito!"
"Alam ko na ang totoo, Kennie. Bakit kailangan mo pang magkunwari sa akin?" naghihinanakit n'yang sabi.
Napamaang ako sa kanya. "Ano'ng s-sinasabi mo?"
"Noong gabi ring yun mismo. Nagkausap kami ni Dr. Garcia. Hindi mo anak si Gelo. Pero nanahimik ako. Alam kong malulungkot ka kapag nagkahiwalay kayo. Pero... bakit magkahiwalay pa rin kayo? Pinayagan mong nasa Maynila ang bata."
Nanginig ako, pero nanatiling matigas ang paninidigan ni Mike sa kabila nang isiniwalat ni Sir Mar.
"Gelo is our son!"
Hindi nagpatinag si Sir Mar. Nanatiling sa akin nakatingin, "Hindi mo naman kailangang magpanggap. Sinasamantala lang ng lalaking yan ang pagkakataon para makaisa sa iyo. Hindi mo ba nakikita? Wala ka bang naririnig? O sadyang nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan ka lang?"
Nagagalit na si Mike. Malapit na itong sumabog sa mga salitang lumalabas sa bibig ng bisita ko.
"A-anak ko ... namin ni Mike si Gelo, Mar."
Na-obliga akong suportahan na ang pagsisinungaling ni Mike. Ito ang unang pagkakataon na sinabi ko ang mga salitang yun na dati ay si Mike lamang ang nagdedeklara.
"Paano ako maniniwala? Ilang buwan na sila sa Enrico nangungupahan noon pero ang sunog lang sa apartelle ang nagging daan na magkakilala kayo."
"Dahil hindi kami nagkikita!" galit na singit ni Mike. "Hindi ko nga alam ang totoong pangalan ni Kennie noon. At bakit kailangan naming magpaliwanag sa iyo. Labas ka sa problema namin."
"T-tama na, Mike," nag-aala kong awat.
Hinigpitan ko ang kapit sa bewang at tapat ng polo n'ya. Saka ako tumingin kay Sir Mar.
"Mar, hindi talaga tayo pwede. Noon ko pa sinabi sa iyo. Ayusin mo na lang ang gusot n'yo ni Darcy.Hayaan mo na kaming mag-ina. Kami ni Mike. Nauumpisahan ko nang maayos ang buhay naming dating magulo. Pakiusa—"
"Pera ba ang katapat—"
"Aba't--!"
"MIKE!"
Hindi na naituloy ng lalaki ang balak na pagsugod sa dati kong bisor. Mahigpit ko na s'yang niyakap.
"Nangako ka. H-hindi mo na s'ya papatulan," naiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
General FictionDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...