49 Harana

622 61 50
                                    


Mahigpit kong niyakap si Gelo. Ganun din s'ya sa akin.

"Okay lang yun, Ma," pang-aalo n'ya sa akin. "Wag ka na po iiyak."

Kinabukasan yun matapos maghapunan. Uuwi na sila ni Mike sa Maynila. Isa sa hiling ng pamangkin ko sa ama na liliban sa klase para magkasama kami buong araw. Na-appreciate ko naman na di nagdalawang salita si Gelo dahil agad pumayag si Mike.

Sa pamamasyal naming kanina, hindi sumama ang lalaki. Sinamantala nito na habang magkasama kami ni Gelo ay nakipagpulong kina Allan para sa mga on-going small projects ng MonKhAr sa bayan namin. Noon ko lang nalaman na ang kumpanya nila ang kumuha ng mass contract para sa mga gustong magpaayos ng mga bahay dito, gayun din ang mga maliliit na negosyo. Ang kontrata ay sa pagitan ng MoKhAr at pamilya Montecillo. Sa pamilya nina Mike nagbabayad ang mga kababayan ko nang hulugan. At naulinigan ko sa pag-uusap nila na magtatayo rin daw panibagong branch ng auto-mechanic shop sina Juno at ang dalawang matalik na kaibigan sa may sentro.

Talagang tinotoo ni Tita Dolly ang sinabi noon sa akin... para sa apo.

Sa maghapong pamamasyal at bonding naming ng pamangkin ko, marami rin akong nalaman tungkol sa pananatili n'ya sa poder ng mga Garcia. Tama ang hinala ko, hindi naman s'ya minaltrato ni William pero kulang sa pagmamahal ang klase ng pag-aaruga ang natanggap n'ya.





"Ilang beses po akong nagigising sa gabi. Nakikita ko si Tito William na umiinom nung... nung alak po. Tas Makakatulog s'ya na nagsasalita. Sinasabi n'ya ang pangalan ni Nanay Racquel," kwento ni Gelo.

"Hindi k aba sinaktan o kaya sinisigawan, anak?" tanong ko.

Umiling lang s'ya. "Mas madalaw po s'yang sumisigaw kapag kausap sa phone yung asawa n'ya. Minsan po, narinig ko pati yung Daddy at Mommy ni Tito William, kaaway n'ya rin sa phone. Tas kapag narinig ko, magso-sorry s'ya sa akin."

"May iba pa ba s'yang sinabi sa iyo?"

Saglit na nag-isip si Gelo, tapos ngumuso.

"Pinipilit n'ya na tawagin ko s'ya na Papa. Eh kasi, Tito William pa rin tawag ko sa kanya. Ayoko maniwala. Kasi alam ko po dito," inilapat ang palad sa dibdib n'ya. "Mas Papa ko si Papa ko ngayon. Iba yung nakikita at nararamdaman ko kapag kami ni Papa ang magkasama noong magkakasama pa tayo. Lalo na ngayon na malaman naming na s'ya talaga ang papa ko. Yun turo mo po sa akin, di ba, Ma? Makikinig kung ano ang sinasabi ng puso?"

Matamis akong napangiti sa kanya. Hinaplos sa ulo,"Oo naman."

Natutuwa ako na kahit nagtatampo s'ya sa akin noong makuha s'ya ni William, napagkit sa bata n'yang isip ang mga itinuro ko. Itinuro na bumalik sa akin ang pagtatanong.

"Ma?"

"Hmm?"

Pareho kaming nakatanaw sa dagat. Naroon kami sa paborito kong pwesto na batuhan.

"Bakit... bakit ikaw po? Hindi ka nakinig sa puso mo?"

Napatingin ako sa kanya, "Ha?"

"Bakit mo po... bakit ka po nag-madre? Nasaktan si Papa."

"Saan mo nakuha ang kwentong yan?"

"Huwag ka po magagalit, Ma."

Hindi aakalain na pitong taon lang ang kausap ko.

"S-sige."

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon