Pilit kong pinapaangat ang magandang pananaw ko nang araw na yun habang nasa biyahe kami pa-Maynila.
Kaarawan ni Gelo ko. Unang kaarawan kasama ang tunay na ama na magpapa-pary sa kanya nang malakihan. Pinangingibabaw ko ang tuwa para kay Gelo dahil ipakikilala na s'ya nang pormal ni Mike sa mundong ginagalawan.
Pagpapakilala na naghahatid din sa akin ngayon nang magkahalong pangamba para sa pamangkin ko at sa sarili.
Sana ay walang negatibong komento o kung anupaman lalo't may mag-uungkat kung paano sila naging mag-ama. Palagay ko naman ay hindi yun hahayaan ni Mike. Gayun din ng pamilya niya at mga kaibigan.
At sana... sana ay hindi nila husgahan kung makikita nila ako muli sa selebrasyong yun. Sa palagay ko naman ay kung may masama silang isipin sa akin ay di yun ipakikita ng pamilya t mg kaibigan ni Mike. Basta mananahimik lang ako.
Ganun ang pagkakakilala ko sa kanila. Isa pa, galing na kay Mike. Hindi na galit sa akin si Tita Dolly. Ewan ko lang si Tito Pab.
Lamang ay kinakabahan ako kay Juno, Ms. Sarah at Ms. Rika. Yung dalawang babae kasi, mga mataray na tahimik. Sa mukha makikita ang disgusto sa isang tao, maliban siguro kung di na makapagpipigil. Si Juno, kasama ang bibig, walang preno.
Pero di ko sila masisisi. Ako ang may kasalanan. At kaibigan nila si Mike.
Ang kailangan kong ihanda ang sarili ay ang sandaling ipakilala na ni Mike yung Joanna sa mga kakilala.
Napabuntung-hininga ako.
"Ma...?"
Nilingon ko si Gelo sa backseat. Isang sinserong ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Nakabakas kasi roon ang dalisay na pag-aalala para sa akin. Nararamdaman n'ya ang aprehensyon ko.
Tahimik lang sa pagmamaneho si Mike. Lahat kami ay may sari-sariling iniisip na nagpapaabala sa amin.
"Nauuhaw ka ba?" malumanay kong tanong sa 'anak' ko para madisimula ang pag-aalala sa mukha n'ya.
Umiling lang tapos, "Okay ka lang po, Ma?"
"Oo naman."
Tumikhim si Mike. Iniwasan kong tingnan s'ya kahit magkatabi lang kami sa harapang upuan ng SUV.
"Idlip ka muna, Gelo. Masyado pang maaga. Kailangan mo ng lakas para mamaya," sabi ko na lang.
Paputok pa lang ang araw nung umalis kami sa Bataan.
"Dito ka po sa tabi ko, Ma," paglalambing nito. "Uunan ako sa 'yo."
"Uhm..." nag-alanganin ako. "Nasa NLEX tayo, 'nak. May car pillow naman d'yan. Yun na lang ang gamitin mo."
"Papa, can she, please?" hiling sa ama.
Walang kibong nag-menor si Mike at gumilid sa pinakamalapit na emergency bay.
"Hurry up," ang sabi matapos pindutin ang power lock. At paglipat ko sa likod. "Next time we travel, seat beside Gelo."
Next time.
Gustong tumalon ng puso ko sa narinig. Kaya lang may malungkot na bulong ang utak ko.
Baka kaya n'ya nasabi yun dahil naiilang s'ya, o baka kasama na namin si Joanna kaya nararapat na ang babae ang katabi nito sa harap.
Hindi.
Hindi naman siguro gagawin ni Mike yun. Huwag na ako pero maiisip n'ya ang mararamdaman ni Gelo. Isa pa, kung talagang nais n'yang magkalapit ang bata at ang babae, hindi n'ya kami pagsasamahing tatlo sa isang sasakyan. At malamang, ako na mismo ang tatanggi.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Ficción GeneralDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...