Haller, mga chichi!
Honto ni gomen ne! Hindi na talaga kinaya ng katawang Olympus ko ang pagod at puyat. Na-beastmode ang kalablayp ko dahil nabinat na ako.
But here it is, ang pambawi ko... 5,800+ words UD! Mwah!
===============
Kennie's POV
Gusto ni Ken na magtanghalian kami sa isang kilalang kainan sa boundary ng bayan namin. Mga lokal at sariwang pagkain ang mga putahe dun.
Pero nagdahilan ako.
Nag-aalala ako na baka hindi kumain ng tanghalian si Mike. Maaga kasi ang lakad namin ni Ken. Hindi na ako nakapagluto para sa tanghalian ni Mike. Nito kasing mga nakaraang araw, nagagawa ko pang magluto kahit kaunti para may pagkain s'ya pag-alis namin. Ayoko s'yang masyadong magkikilos dahil sa sprain n'ya.
"Bukas na lang, Ken. Sa Sabado o Linggo pa naman ang balik mo sa Maynila."
Isang linggo kasi s'ya rito. Noong una, tatlong araw lang talaga ang plano n'ya. Pero may nakita raw s'yang potensyal sa bayan namin para magtayo ng negosyo o at least, ay mapagkukuhanan ng resources para sa negosyo nila ni Rika. Hinimok ni Ken ang babae na huwag nang mag-expand ng boutique. Na imbes na maging seller ng mga branded clothes line and accessories, bakit hindi ang babae mismo ang maging supplier ng produkto na kakaunti ang kakumpetensya.
Yun ang ginagawa ngayon ni Ken. Tinutulungan ko s'yang maghanap dito sa bayan naming, kapalit na kung may makita s'ya ay ang bayan naming ang ekslusibong magiging panggagalingan ng mga raw products. Negosyo para sa kanila, hanap-buhay para sa amin. Palitan kami ng pabor.
At may nakita na nga s'ya. Ang mga bunot ng niyog. Para sa coconut coir. Marami raw iyong gamit sa kabila na ang bunot ng niyog ay kadalasang tinatapon lang o sinusunog.
Nangako ito na kung maaprubahan ni Rika at isa pang ka-partner nila ang iniisip n'yang proyekto, sila na rin mismo ang magbibigay nang librang training at seminar sa mga kababayan ko na interesadong matuto sa tamang pag-'harvest' ng mga hibla para sa coconut coir. Sila na rin ang magdo-donate ng mga kakailanganing gamit ng mga kababayan ko. Kung sino ang kukuha ng gamit ay magkakaroon ng ekslusibong kontrata kina Ken.
Kaya nang buksan n'ya ang paksang yun nang gabing ihatid ako dito sa Bataan, na-excite talaga ako.
Walang pagdadalawang-isip na inanyayahan ko si Ken sa bahay na manatili at maaaring samahan ko s'yang maglibot sa amin sa pinamabilis na panahon... kahit kinabukasan mismo!
Sa palagay ko ay natuwa rin ang lalaki sa enthusiasm ko, kaya ayun nga. Pumayag s'ya. Lagi naman raw s'yang may dalang damit at mga gamit sa trunk ng kotse n'ya. Dahil ang pagbibiyahe ang pnagunahin n'yang gawain sa business partnership kina Rika. Si Rika at yung isa pa ang financier sa proyekto, si Ken ang industrial partner.
Natabunan nang excitement ko ang unang dahilan sa pagpayag ko sa paghahatid ng lalaki sa akin sa Bataan. Ang alamin kung ano ang gagawin ni Mike.
At ayun nga, an gaga-aga, sumunod sa amin ang lalaki. Lihim akong nagdiwang... at lumakas ang loob. Alam kong may bahid na masamang hangarin ang ginagawa ko ay pinagbuti kong lalo ang pakikipagkaibigan kay Ken. Pinagbuti sa paraang hindi naman bastusin. May distansya pa rin.
Kaya lang, kasabay nun ang pag-aalala. May pilay si Mike. Palagay ko ay dahil pinilit n'yang buksan ang pinto ng silid ng mga magulang ko. Hindi ko lang alam kung bakit gayong may susi naman s'ya.
Hindi ko alam kung nakikiayon ang tadhana sa akin. Dahil sa pilay ni Mike at kailangang may asikasuhin kami ni Ken, ilang araw na kaming magkakasama sa iisang bubong na tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/91824643-288-k600240.jpg)
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Ficción GeneralDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...