I was trembling as I drove to where our driver said he has last seen Kennie.
I already tried calling her number but it was also the driver who picked it up. Naiwan daw sa loob ng kotse.
Nahuli pa nga ako ng traffic enforcer for over speeding and beating the red light. Nakipagtalo pa ako dahil sabi ko ay emergency. I almost got arrested until they saw me at the verge of crying.
"Sumunod kayo sa akin kung gusto n'yo. My fiance was kidnapped!" I shouted.
Doon sila naalarma.
Yung isa sa kanila, nag-convoy sa akin sakay sa motor.
That was the only time I remember to call Rob.
Pagdating ko sa lugar na huling nakita si Kennie, naroon ang driver namin. He was all tensed standing in front of the food chain. May kausap ito na base sa suot na uniform ay manager doon.
Pumarada rin ang kasama kong enforcer. Kaya agad kong hinugot ang lisensya ko sa wallet at binigay sa kanya.
"Bahala na kayo kung ano'ng violation ang gusto n'yong ilagay dyan," abiso ko. "Ang importante lang sa akin ay ang makarating agad dito."
Kinuha naman yun pero sumama para kausapin ko ang manager ng food chain.
"Hindi namin napansin, Sir, Medyo marami kasing customers kanina," ang sabi nung babae matapos kong magpakilala. "Tumawag na kami ng pulis."
"Sir," yung traffic enforcer, inaabot pabalik sa akin ang lisensya ko. "Kunin n'yo na ho. Di ko na kayo titiketan. Sinigurado lang namin na totoo sinasabi n'yo at di kayo maaksidente papunta dito. Sige ho. Mahanap n'yo na sana gelpren n'yo. Alis na ho ako at di namin jurisdiction ito. Tutal may paparating nang pulis."
Nagpasalamat ako.
Dumating ang mga pulis at nagsimulang magtanong sa driver namin. Ganun din sa mga empleyado ng food chain. Walang nakapansin kay Kennie maliban sa isang crew na kinumpirmang nagbanyo doon ang babae, pero hindi n'ya nakitang lumabas o kung ano dahil tapos na sa paglilinis ng banyo.
Doon dumating si Rob at dalawa n'yang agent. Pinakilala ko sila sa mga pulis.
Agad na tinanong ng asawa ni Juno kung maaring makita ang CCTV footage ng establisyimento. Pumayag agad ang manager.
"Have you checked the whole area like if there's a stockroom here or something?" tanong nang isang kasama ni Rob habang sine-set up ang CCTV record.
Ayokong isipin na may umatake kay Kennie at doon s'ya itinago na walang malay... or worst walang—
"Fuck!" I muttered.
I can't. I just can't think of it!
"Nasa kitchen po ang stockroom ng food, at managers' lounge ang imbakan ng novelties, Sir," sagot ng manager. "Imposibleng may makarating doon na hindi makikita dahil puno ng mga empleyado doon."
"Sa men's CR or PWD restroom?"
Tiningnan na namin kanina bago pa po dumating si Sir," turo sa akin.
Natahimik kami nang makitang nagsisimula na ang CCTV.
Kita namin ang pagpasok ni Kennie hanggang sa pinto ng women's CR. Pati ang paglabas doon hanggang sa dining. Huminto s'ya doon at nagpalinga-linga.
Until my browse creased. Sumabay si Kennie sa grupo nang may kaingayang pamilya papalabas... sa kabilang exit. Ang exit na nakaharap sa main road. Tapos naglakad sa kabilang direksyon palayo sa parking area hanggang di na makita sa CCTV.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
General FictionDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...