Di makapaniwala ang mga ka-grupo ko nang mapanood nila ang video interview ko kina Ms. Andie.
"Grabe, Kennie! Kaibigan pala nina Engr. Montecillo ang mga Schulz!"
"Siguradong maganda ang mga bahay nila, ano? Gwapo rin ba si Freidrich Schulz sa personal? Mababait ba talaga?"
"Yung huling babae sa interview, di ba yan yung naanakan ng bestfriend ni Mrs. Schulz?"
"Yun siguro yung singkit daw na nagpunta na dati sa bahay n'yo nung nasa ospital pa kayo ni Engineer. Di ba ex yun ni Mrs. Schulz? Close pa rin ba talaga sila?"
"Buti tinulungan ka nung Juno? Ang balita, masungit yun. Pinapatanggal ang mga write ups tungkol sa kanya at pamilya n'ya."
At si Ivy na halatang nagpipigil ng inggit, "Maganda yung pagkaka-edit. Pero bakit may dinagdag ka yata na tanong? May iniba ka pa. Bakit may interview pati yung Ma. Adelyn Rosales? Di naman yan kasali sa outline natin."
Mga ka-grupo ko na rin ang kumontra.
"Mas maganda nga ang kinalabasan eh. May ebidensya na successful ang mga charity activities ng mga kumpanya. Na may nakakatapos."
"Tama lang na nakinig si Kennie dun kay Mrs. Schulz. Mas may experience yun. Graduate naman ng HRM tapos s'ya mismo yung isa sa mga target individuals ng thesis natin. Siguradong mas mataas ang grade natin nito. Lalo't big time ang interviewees natin."
Pasimpleng umirap si Ivy, "Hindi rin. Depende yan kung madedepensahan ni Kennie ang mga tanong ng panel sa kanya."
Hindi na lang ako kumibo. Tama na ang isang beses kong pinaliwanag sa kanila kung paanong naging ganun ang nangyari sa interview at sa mismong video. Wala pa rin akong masyadong gana.
Maliban sa nami-miss ko si Gelo, kinakain ang sistema ko sa huling pag-uusap namin ng pamilya Montecillo.
Wala si Mike. Gabi na kami nakauwi kahapon pero maaga rin s'yang bumalik sa Maynila. Opening na raw nung isang taong project n'ya sa Quezon City. Natural na imbitado s'ya sa party.
Bago kami matapos sa meeting, "Baka pwedeng doon sa inyo, Kennie? May internet ka na, di ba?"
Malapit na kasi ang defense. Kakailanganin na namin ang paminsan-minsang overnight.
"Ano kasi, walang bakanteng kuwarto. Pinapaupahan ko nga."
"Umuuwi naman siguro sila sa Maynila kapag weekend."
Nag-aalangan ako. Hindi sa pinagdadamot ko ang bahay namin. May pakiramdam lang ako na dapat ipagpaalam ito kay Mike.
Hindi ko ugali ang mag-isip nang masama sa kapwa, pero nagsimula silang maging malapit sa akin mula pa kaninang, sunduin ako ni Kuya Gerry na may minamanehong SUV. Sina Tito Pab daw ang nagpadala nun. Nakasunod sa amin ni Mike papauwi kagabi. Hindi raw kasi ligtas na magko-commute ako dahil sa nangyaring panghaharang ni Dra. Garcia. At dahil ako lang naman ang pasahero nun, sinabay ko na ang mga ka-grupo ko papunta kina Ivy.
"Di naman malikot ang anak mo. Di naman siguro manggugulo yun. Tahimik lang s'ya nung dinala mo dati sa classroom," pangungumbinsi pa nung isa.
"Uhm, sandali. Ipapaalam ko muna kay M-mike," tumayo ako para kunin ang phone ko.
"Kennie, nagsasama na ba talaga kayo?"
Natigilan ako. Isa yun sa iniiwasan ko, "H-hindi. Uhm, s'ya kasi ang tumatayo kong guardian."
"Twenty-one ka na, tapos guardian?" singit ni Ivy.
"Siyempre, tatay yun ng anak n'ya, 'no!" depensa nang isa ko pang ka-grupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/91824643-288-k600240.jpg)
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Narrativa generaleDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...