Mike's POV
Tahimik kaming nagbyahe pauwi nakasunod kami sa SUV nina Mommy. Si Gerry ang nagmamaneho, katabi si Orlan sa harap.
Sa backseat kami nina Kennie at Gelo.
Kandong ko ang bata. Umiyak daw kasi sa nasaksihang pagkakagulo kanina sa inauguration. Pagbalik ko nga sa table namin matapos ang pag-uusap nina Aris at mga Lacerna, bumitaw agad si Gelo sa ina at sinalubong ako ng bata at niyakap. At doon ko nga napatunayan dahil umiyak uli ito sa akin.
"Tito Mike," hikbi sa leeg ko.
Kinarga ko s'ya. Tumayo na rin si Kennie para kalmahin ang anak.
"Tama na, Gelo. Di naman nasaktan si Tito Mike," ang sabi ng babae.
And when we settled back to our chairs, Mom smiled at us. "Kanina ka pa n'ya hinahanap."
"He got more scared thinking you were hurt," sabi naman ni Dad.
A warm feeling crawled in my chest. I kissed the boy's head and whispered to him, "Ayos lang ako. Inawat ko lang si Tito Aris. May salbahe kasing lalaki na lumapit sa kanila ni Tita Madel."
Doon lang nag-angat ng mukha si Gelo para tingnan ako. Pinunasan ko ang luha n'ya.
"Tito Mike..."
"Hmm?"
"P-pag may lalapit sa aming salbahe ni Mama ko, g-gagawin mo rin nigawa ni Tito Aris? Yun tulad dun sa p-pumasok say bahay namin po, di ba?"
Napangiti ako sabay tapik sa ulo n'ya, "S'yempre."
Nagtagal pa kami nang dalawang oras bago natapos ang inauguration party.
Tulog na si Gelo. Bagsak na nag braso nito na kanina lang ay mahigpit ang kapit sa balikat ko. Pasimple kong sinilip si Kennie sa tabi ko. Baka Kasi inaantok na since it's already past midnight.
But I was mistaken.
She looks like in deep thought. Hindi ako nakatiis. Kahit humingi na kami ng paumnahin sa mga bisita kanina,
"Kennie, I'm sorry about the commotion earlier."
"Hindi... Okay lang yun," was her answer without taking her eyes from looking outside the car window.
"Then what's wrong?"
"Ha?" Saka lang n'ya ako tiningnan.
"You've been awfully quiet since I returned from the hotel's office."
"Uhm.. Wala naman akong sasabihin," ang sagot na tumingin uli sa labas.
"No, there's still something else. Is it about the Garcias? Mom said you met them."
Nakita ko na napatingin sa akin si Gerry at Orlan sa rearview mirror. Di naman ako galit na nakalapit ang mag-inang Gloria at Winston Garcia kina Kennie.
It was my mother who introduced them.
Nanatiling nakatingin si Kennie sa labas pero, "B-bakit sila naroon, Mike?"
Tumikhim ako, "I'm sorry for not telling you. It's just that I had no good excuse not to invite them."
"A-alam mong s-sila ang iniiwasan namin."
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Fiction généraleDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...