Mike's POV
Magkasalikop ang mga palad na nakatukod sa tuhod, napabuntung-hininga ako nang malalim. Nakaupo ako sa gilid ng double bed na gamit ko ngayon ditto sa dating home office ng Papa ni Kennie.
"Tsk!"
Buntung-hininga uli. Mabigat ang puso ko na napatingin sa Apple tablet na nasa tabi ko.
May isang oras na yata ako na ganito mula nang pumasok ang mag-ina na walang imik sa kuwarto nila matapos kong magbitaw ng salita kay Kennie.
Mali nga yata ako sa pagtrato nang ganun sa bata. Kaya lang, hindi ko lang mapigilan. Gaya ni Mommy, magaan ang loob ko kay Gelo. Maybe because we have the same name. And yeah, I agree with my mom that we somewhat have similarities with our personality. The difference is, the little Angelo is softer when it comes to his mother. More obedient, that is.
Mas matigas daw ang ulo ko, sabi ni Mommy. I even got grounded before for talking back to my teacher and a lady neighbor.
Yeah, I know.
When I'm pissed, I do not look at age and gender. Thing is, if I feel off about someone, I have a bad habit of being rude.
Gaya na lang noon kay Maddie... and last week with Darcy.
Tumayo ako para itabi ang box ng tablet. I took a towel and a set of house clothes from the chest drawer Kennie have me use during our stay here. She said it was her sister's.
The bed I'm using was her parents'. It's simple and old but still sturdy. Kunsabagay, all the basic furnitures in the house are made of narra, like this one.
Truth is, medyo salat sa palamuti ang bahay. Not even a family portrait hanging on the wall which should be common in suburb places especially that the head of the family was a former politician. I'm not sure kung kasama ang mga yun sa iniligpit ni Kennie sa basement. Although my staff said, hindi naman daw ganun karami ang ibinaba nilang mga kahon at gamit. Palagay ko, kundi man simple lang talaga sila mamuhay noon, o maaaring ibinenta na ang mga gamit. But still, most the narra furniture in the house look antique. Meaning, they could be sold at a handsome amount kung sa isang collector maibebenta. Gaya nitong bahay nila na mukhang panahon pa ng Kastila naitayo. Just a little preservation and improvement, tataas ang value.
Dala ang toiletries, nagpunta ako sa banyo sa ground floor. Sinabi naman ni Kennie na maari ko itong gamitin tutal sa baba rin ang kuwarto ko. At umuuwi rin naman ako sa Maynila.
Sa totoo lang, natuwa ako sa suhestyon ni Mommy na dito na lang kami ng mga staff ng MonKho. Maliban sa tulong na naming sa mag-ina dahil siguradong di tatanggap si Kennie ng pabuya, mas homey ang atmospera kesa sa apartelle. Para kaming isang malaking pamilyang nakasukob sa iisang bubong.
Isa pa, mababantayan namin ang mag-ina kahit papaano. Ganitong hindi kami sigurado sa kaligtasan nila. Hindi aware ang babae, isang agent na ni Rob ang nakabantay sa kanila. Nakausap ko nga kanina.
Wala naman daw siyang napupunang umaaligid sa bahay. Ganun din naman ang bantay ko.
Malaking kaginhawaan yun sa akin.
Pakiramdam ko, kasalanan ko kung madadawit ang mag-ina sa isyung ito. Ganyang pasngalawang pag-atake na sa MonKho. Una yung sa Zamboanga.
Si Airs ang sumagot sa professional fees ng dalawang agents ni Rob. May anggulo kasi na maaring may koneksyon ito sa gusot na kinasuungan ni Madel at Emma.
Nabalik ang isip ko sa nangyari kanina.
Again, I felt a mix of pity, guilt and retaliation.
Guilt because I said those words to Kennie. I saw she was somewhat hurt to what I said earlier. But that was because I want to retaliate for Gelo. With my conversations with him, I knew, he is silently looking for a strong figure. He finds his mother fragile and meek when it comes to other people.
![](https://img.wattpad.com/cover/91824643-288-k600240.jpg)
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Fiksi UmumDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...