31 Bubble Bath

649 54 24
                                    



"Calm down, Kennie. Calm down."

Paulit-ulit na sabi ni Mike habang naghihintay kami kay Ralph sa presinto. Akbay-akbay n'ya ako. magkatabi kaming nakaupo sa tanggapan ng police chief doon.

Mali mang ipagpasalamat, pero ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Una dahil umaga nangyari ng lahat. Na papaalis pa lang si Mike.

Pangalawa, kasama ni Michelle si Gelo at Tita Dolly mula pa kahapon sa isang out of town trip. Bukas pa nang hapon ang balik nila.

Ginawa yun ng kapatid at ina ni Mike para makapagkonsentra ako sa mga dokumentong kailangang lakarin para sa mga pag-aari ng mga magulang ko, ang pagpunta namin sa Amerika at ang pagpapaupa sa SchulzAS ng lupa namin sa tabing dagat.

Pinabalik ni Mike si Kuya Gerry sa bahay. Naiwan ko kasi ang inhaler ko nang sunduin kami ng mga pulis sa bahay. Kasama ng mga ito ang ilang opisyal ng home owners' association sa village nila. Kilala ang mga Montecillo kaya siniguro ng mga ito na biglaan man ang pagpunta ng mga pulis sa opisina ng asosasyon, ay maayos ang magiging pagkuha sa amin.

May mga tinatanong ang mga pulis at imbestigador pero nanatili kaming tikom ang bibig. Lalo at tinatanong kung nasaan si Gelo.

"We will wait for our lawyer," ang tanging pahayag ni Mike.

Kanina ay kinausap na ng lalaki ang isa sa dalawa pang bodyguards na kasama namin. Ayaw n'yang iparating pa muna kay Rob ang nangyari dahil nasa honeymoon pa ang bagong kasal. Wala pa rin si Aris dahil nasa Cebu pa kasama ang pamilya. Ganun din ang mga Schulz na nasa Palawan pa. Sinasamantala na walang pasok ang mga bata dahil unang linggo pa ng Nobyembre ang tapos ng school break.

Si Tito Pab ay hindi sumama sa presinto, ayon na rin sa kagustuhan ni Mike.



"Dad, please call Ralph. We need you to help us work on stuff outside the precinct. I will be limited to move while in there."



Ilang oras na kami sa presinto. Wala pa si Ralph pero bago magtanghali ay may isang abogado ng law firm nito ang nauna nang dumating. Yun ang pansamantalang humarang para hindi kami makuhanan ng mugshots ni Mike na tila mga kriminal.

Nagtalo ito at ang pulis.

"Atty. Marquez will be here soon with the proof that the child is Engr. Montecillo's and Ms. Dayrit's son," ang sabi ng abogado. "There is no kidnapping that happened. Kapag kinuhanan n'yo ng mugshots ang kliyente namin, kami ang magdedemanda sa inyo ng pagsunod sa maling pagkakaproseso nitong arrest warrant. Pati na ang judge na nag-issue nito na walang matibay na basehan!"

Natigil sila sa pagsasagutan dahil may dalawang dumating.

Si Sir Jeff at Rika. Kaswal lang sila sa isa't-isa dangan ay halata ang pag-aalala para sa amin.

Saglit akong naiwan sa kinauupuan dahil tumayo ang katabi ko para salubungin ang dalawa. Kung natigilan si Jeff dahil nagyakap si Mike at Rika, ako naman ay nakaramdam ng di maipaliwanag na kirot sa puso.

Bakit? Dahil ba ang babaeng ito ay minahal ni Mike noon... o maaring mahal pa rin ngayon?

Tinapik ni Sir Jeff si Mike sa balikat, "Ayos lang ba kayo? Can we bail you out?"

"The charge is non-bailable but Ralph is working on countering it," sagot ni Mike.

"Hey," si Rika na tumabi sa akin at kinapitan ako sa kamay. "Ayos ka lang ba? Kalma lang ha? Tutulungan namin kayo."

Yung Hunk sa Mang Donald's #B5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon