"A-ayos lang kami," pilit kong kinakalma ang boses ko pero kay Gelo ako nakatingin.
Ayokong titingin s'ya sa lalaki kaya ikinulong ko ang mukha n'ya sa palad ko para sa akin lang s'ya titingin.
"Mama, nidudugo po."
"I'm really sorry," nag-squat ang lalaki paharap kay Gelo. "Ito, gamitin mo."
Humugot pa ito ng panyo para sa sugat ng anak ko.
Napatayo ako bigla sabay karga kay Gelo.
"H-hindi na. Okay lang. Sige," sabay lakad papalayo.
"Wait, miss!"
Hindi ko pinansin. Diretso ako sa paglayo.
Dumadagundong ang dibdib ko.
"Mama, yung tablet ko po, nibitawan ko."
"Ha?"
At otomatikong napalingon ako. Isang maling galaw.
Pareho kaming napaharap mag-ina sa lalaki na sumunod pala sa amin. Hawak nito ang tablet ni Gelo.
At nabasa ko sa mukha niya ang ayaw kong mangyari.
Rekognisyon... at pagkamangha!
Mabilis kong itinago ang mukha ni Gelo sa leeg ko bago pa mapatingin sa anak ko ang lalaki.
"Honey...?"
Pareho kaming napatingin sa babaeng lumabas sa aisle na pinanggalingan nito.
Lalong nanlaki ang mata ko sabay talikod.
Diyos ko! Diyos ko! Huwag po!
Naiiyak na ako sa isip habang naglalakad palabas sa appliance store.
"Ma, yung tablet ko—"
"Hayaan mo na!" matigas kong sabi kay Gelo.
Natensyon ang katawan ng anak ko. Hindi ito sanay na ginagamitan ko nang ganoong tono.
Naramdaman ko ang pigil n'yang hikbi.
Nakaramdam agad ako ng guilt at awa pero hindi ito ang tamang oras.
Mas dapat na makalayo kami dito ngayon!
"Kennie!"
Mike, huwag mong isigaw ang pangalan ko! Gusto kong ibulyaw sa kanya.
Saglit akong lumingon sa kanya at tinuro ko ang direksyon papalayo tapos lakad uli.
Humabol si Mike.
"Kennie, ano'ng nangyari?"
"A-ano, magsi-CR lang kami. Huhugasan ko ang sugat ni Gelo."
"Sugat? Saan? Bakit?"
"SA siko lang. Naano s'ya dun sa loob," mabilis kong sagot sabay lakad uli.
Nakita ko na parang nagtatanong yung babae sa lalaking nakabangga kay Gelo. Lamang, halatang ikinubli ng lalaki ang tablet sa hawak na laptop bag.
"Namumutla ka."
"Hindi, ano, kailangan ko ring magbanyo."
"Nabili mo na ba?" pag-iiba ko sa usapan.
Nahalata ni Mike kaya pinigilan ako sa braso, "Kennie, what's wrong?"
Sa gilid ng mata ko, umalis yung babae tapos lumingon uli sa amin yung lalaki at nagsimulang humakbang sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Yung Hunk sa Mang Donald's #B5
Ficción GeneralDalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, para sa maglilimang taong gulang na anak. Tinalikuran na nya ang sariling kaligayahan... kasi kailanga...