Prologue

7.2K 110 12
                                    

Prologue

                                                                                                
Mula sa mataas na tore ng palasyo ay pinagmasdan ko ang bayan na nasa ibaba. Maliliit ang mga bahay at halos sira-sira. Nakita ko rin mula rito ang bilihan sa bayan. Nakita ko rin ang itim at pinaghalong gray na isang building na may hindi kataasan ngunit malawak naman na school-  ang Darkille Academy.

Makulimlim ang kalangitan kahit pasado pa lamang ng alas tres. Hindi na ito bago saakin. Ang mga Darkeries na nakikita ko ay may mga hawak na sulo at naka suot ng isang itim na cloak. Hindi na rin bago saakin ang makita na may hawak silang torch. As for the cloak, mahigpit na utos iyon ng aking ama at ng mga council. All Darkers needs to wear black cloak as a sign that they're one of us.

Napako ang paningin ko sa dalawang darkeries na nag aaway. The one got almost stab by a sharp knife kung hindi niya lang iniwasan. Mabilis namang dumalo sakanila ang mga gwardiya na rumoronda sa bayan.

I sighed as I step backward. Nasusulyapan ko pa rin ang nangyayare sa baba, hindi nga lang katulad ng nakadungaw pa ako roon.

I'm still not used into this place. This is my home for almost 18 years. Ngunit hindi pa rin ako sanay sa kadiliman ng lugar. Kahit saang sulok ako tumingin, I could feel the heavy atmosphere.

We're in a mysterious, eerie and dark place in this world of Magic- the kingdom of Darkille.

Everyone knows the Darkille town. This is the place of torture, evilness and the place where enemies are normal. Ito ang nasa pinaka mababang antas ng bayan sa lahat ng bayan at nasa pinakamababang antas sa mundo ng mahika.

Muli akong matamang sumulyap sa nagaganap na gulo, ngayon ay kinakaladkad na ng mga gwardiya ang dalawang nagkagulo.

I pressed my lips hard. I headed my way back to my room. Palagi akong pumupunta sa mataas na bahagi ng palasyo para mapagmasdan ang bayan na aking kinalakihan. Kinalakihan pero hindi kinasanayan.

May iilang tagasilbi ang bumabati saakin ngunit katulad ng palaging eksena ay tumatango lang ako at nagpapatuloy na sa paglalakad.

Maraming torch na nakalagay sa mga gilid na nag bibigay ng liwanag. Nakahilera 'yon buong gilid ng hallway. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nang makarating roon ay agad kong inalis itim na cloak na suot at humiga sa kama.

Even here, even in my room seems so dark. Tatlo lang na kulay ang madalas mong makikita. Ang mga gamit ko ay halos itim, gray at pula. Isang square type ang kwarto ko. Nasa pinaka gitna ang kama na may itim na kumot at pula na bedsheet. Sa harap ay isang malaking cabinet na puno ng mga libro. May sofa bed sa bawat gilid at may circle wooden table sa tabi ng aking kama.

"Henrietta!"

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang iniluwa ng pinto si Lucas at si Tori. Si Tori ay ngiting-ngiti na pumasok at dumiretsong higa sa tabi ko, habang si Lucas naman ay magaan na ngumiti at umupo sa isa sa sofa bed sa gilid. Napansin ko agad na naka uniform pa rin ang dalawa galing sakanilang klase.

"Bakit andito ka nanaman sa loob ng kwarto mo?" si Tori.

May itim na itim at kulot na buhok si Tori na umaabot lang sa balikat nito. Maputla ang kulay ng balat niya at halata ang wreckles sa pisngi at sa bridge ng ilong nito. But that couldn't hide her soft and pretty features.

"Hindi ka ba dito nabo-boring?" Taas-kilay na tanong ni Lucas. Halos matawa ako roon, parang hindi na sila nasanay sa palaging eksena ko tuwing binibisita nila ako.

Lucas also have pale skin. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata at itim na itim ang buhok.

"I'm always here. Why would I get bored?"

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now