Chapter 36- Dimensional Quest

888 36 0
                                    

H E N R I E T T A 

Everything was so fast. A very blurry scenes. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na mag-isa sa gitna ng kagubatan na ito. Lahat ng makikita ko ay parang totoong-totoo. The sounds of different birds were roaming around the air, but the trees are too quiet. Mahina at bahagya lang ang paggalaw nito dahil sa hangin.

I'm now inside the Dimensional Quest. Kagroup ko si Carrie at Nekessa sa group Gold at hindi ko alam kung papaano sila hahanapin. Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat. Sabi ng Headmistress ay kailangan namin mahanap ang grupo namin dahil 'yon lang daw ang makakatulong at matutulungan namin. We can't help other teams. Pero ang score points na makukuha mo mula sa atake ng iba't-ibang creatures ay sayo lamang. Ang grupo kung nasaan ka ay para lang sa tulong na kakailanganin mo kung nahihirapan ka sa isang creature. Ofcourse kapag may tumulong sayo, both of you will have the points, you'll share.

The dangerous of each creatures will be base on their points. Lahat naman daw ng creature ay napag-aralan ng bawat klase. The problem is, hindi yata ako interesado nung pinag-aralan sila, kaya ngayon ay nangangapa ako kung ano ba ang makakalaban ko all the way in.

20 points

30 points

At ang pinaka- dangerous  na creature ang may 50 points. Swerte kung matatalo mo agad.

Ang mga sugat na matatamo mo ay totoong sakit ang mararamdaman mo. But once you're out of the Quest, you will be healed automatically, the wounds, pero sa sakit at sa pagod ay hindi ako sigurado.

You will be out of the Quest one you're defeated by the creatures. At matatapos lang ang Quest na ito kapag naubos na ang mga nilalang na inilagay nila sa illusion na ito.

I blowed a loud breath. Sa oras na ito, puntos ang kailangan mo. Siguro ang iba ay naghahanap na ng creatures na pwede nilang makalaban para makakuha ng scores. Ang iba siguro ay katulad ko na nakatayo pa rin dito sa kung saan ako iniluwa ng madilim na pinasukan kanina. Ang iba siguro ay naglalakad na at ang iba ay natatakot. Oh well, wala naman akong pakealam sa puntos na makukuha ko. Lalaban lang ako kapag may nakita, I'm not after the points.

Tama nga siguro sila, masyadong matagal kaming mananatili sa loob ng dimensyon na 'to. Dahil napansin ko na halos mag-iisang oras na yata ako naglalakad papunta sa kung saan at hanggang ngayon wala pa rin akong nakakalaban na kung ano-ano.

I saw one creature with 20 points written on it a while ago, pero ng handa na akong lumaban ay may dumating naman na isang nerd, she's not my groupmate at sa tingin ko ay mula siya sa grupo ng Black, she looked tense, mas tense pa ata siya na makita ako kesa sa creature na kaharap namin. At wala pa rin siyang hawak na points base sa nakita kong score watch niya, since I'm not really after the points, I decided to leave her alone to fight with the creature. That left me with no points at all.

Ilang minuto pa ay narealize ko na nauuhaw na ako. I need water, or else sa pagka-uhaw ako mamamatay at hindi sa makakasalubong kong nilalang.

Tiningnan ko ang paligid. The headmistress didn't say anything about sources of waters and foods. But perhaps there are some ways to find them here, hindi naman siguro nila kami hahayaan na magutom at mauhaw dito.

Napaisip ako.

Forest. Again. Tama! Bakit hindi ko naisip 'yon? Nasa gubat ako, what's after or around forest? Ofcourse bodies of water. Bahagya akong napangisi sa ideyang naisip ko.

Naglakad muli ako, this time hindi na diretsong daan ang tinahak ko. Ilang minutong paglalakad pa ay narinig ko na ang maingay na agos ng tubig mula sa kung saan. I followed the sounds and there I saw a crystal-like river. Dahil sa init ng araw na hindi naman nakakasakit ng balat ay maliwanag ang tubig.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now