H E N R I E T T A
Matapos ng usapan namin na iyon ay humingi ng pasensya si Nekessa. Hindi raw dapat siya nag sasabi ng kung ano ano dahil pinapunta nila ako dito para mag saya at mag celebrate nga sa mission na natapos nila.
"It's fine.." Sagot ko. "I'm actually glad that you opened up to someone like me."
She smiled, her usual smile. Bumalik na siya sa pagiging masayahing Nekessa.
"Oh! Gusto mo na bang bumalik sa dorm mo?" Tanong niya.
"It's late."
I was about to say 'No' ng mabaling ang tingin namin sa kadarating lang na lalake. Nabaling agad ang mariin niyang titig saakin.
"Oh! Bakit ngayon ka lang, bro?" Kung hindi pa nag tanong si Clyde ay hindi niy aalisin ang tingin niya saakin.
Napabaling ako kay Nekessa. "Actually, it's pretty late. Babalik na rin ako sa dorm."
"Oh." Napa kurap kurap si Nekessa habang nakatingin saakin at tumingin kay Dawson na ngayon ay prente ng naka upo sa sofa at tinitingnan ang bagong ginagawa ni Clyde at ni Blake. Napansin ko na pumasok na si Harper sa isang pinto na sa tingin ko ay kwarto niya.
"Vic.." Tawag ni Nekessa kay Victoria ng makabalik ito na may hawak ng isang baso ng tubig. Nagpaalam siya kanina na bababa dahil nauuhaw.
"Mmm?"
"Babalik na daw si Henrietta sa dorm nila." Nekessa said. Tumingin saakin si Victoria at tumingin sa time hologram.
"Oh. It's almost 1. You should sleep. May pasok pa nga pala bukas." Victoria said. Lumabas na kami sa veranda.
"Blake, hatid mo si Henrietta." Nagulat ako ng sabihin ni Victoria.
"N-No. It's fine. I can go back all by myself." I said. Pero tumayo na rin si Blake para samahan ako. Hindi nalang ako nag salita.
Dawson eyed me with his usual serious look. And as my usual self, I just stared at him blankly.
"Gusto niyo ba ay sumama ako, babe?" Clyde asked. Napansin ko na kumunot ang noo ni Dawson. Hindi pa man kami nakakasagot ay humikab na siya. "Ops.. Antok na pala ako."
"Matulog ka nalang. Pagod ka siguro sa pambababae." Nekessa said and rolled her eyes. Nagtawanan sila except saamin ni Dawson.
Blake held my wrist. Bumaba doon ang tingin ko at tinaasan siya ng kilay.
"Baka may mga professors na gising pa. Gagamitin ko ang invisibility ko para hindi tayo makita." Sabi niya. Tumango lang ako at nagpaalam na sakanila. Tiningnan kong muli si Dawson bago kami tuluyang makalabas, nakatingin siya sa kamay namin ni Blake.
Nakaramdam ako bigla ng mumunting kuryente. I think Blake's already using his invisibility.
"Bakit hindi natin isinama si Harper para nag teleport nalang?" Seryosong tanong ko. Pababa na kami ngayon sa hagdan. Ang tanging ilaw lamang ay ang automatic light na sumisindi sa tuwing nakakadaan kami.
"He's sleeping." Sabi niya. Napa tango ako. Naalala kong pumasok nga si Harper kanina sa tingin kong kwarto niya.
Tahimik na kaming dalawa hanggang sa makalabas sa SHBuilding. Nangangati na akong hilahin ang wrist ko mula sa pagkakahawak niya but for unknown reason, hinayaan ko nalang.
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...