H E N R I E T T A
Sa sumunod na araw ay maaga kaming pinatawag sa office ng Headmistress. Kaya matapos namin kumain ng umagahan ay maaga kaming nag-ayos para pumunta roon.
"Ano sa tingin mo? Bakit tayo pinapatawag?" I asked Nekessa while we were on the way to the office. She glanced at me, namumungay pa ang mata dahil kulang pa raw siya sa tulog.
"I don't know. Maybe a mission." Sagot nito. Bahagya akong natigilan. Kung misyon nga ang dahilan ay ito ang unang beses kong makakasama sakanila sa isang misyon, bilang parte ng Warriors.
Naunang pumasok si Dawson ng makarating kami. Nang makapasok ay agad kong nakita si Councilor Alarcon, nakaupo ito sa harap na upuan ng Headmistress. Agad rin naman ako nitong nakita, katulad kahapon ay may multo nanaman ng ngiti sa labi nito. It felt like a distraction, bigla ay nag-alangan ako gumalaw ng nakikita niya.
"Good morning, headmistress, Councilor Alarcon." Bati ng grupo. Mukhang sanay na sila sa mga ganitong klaseng pagpapatawag.
"Good morning. Nasabi ko kay Dawson noon na may misyon na ipapagawa si Councilor Alarcon." Panimula ni Headmistress.
Napatitig ako sa councilor na ngayon ay maliit ang ngiting pinagmamasdan ang grupo. Napatingin ito saakin kaya pasimple akong umiwas ng tingin.
Damn. I hate his smile.
"Sa ngayon ay may gusto siyang ipaimbestiga sainyo." Headmistress.
"Gusto ko sainyo ipahanap ang dalawang taong nagngangalang Franco Hillary at Criselda Hillary." Sabi ng councilor. Halos manlaki ang mata ko sa narinig.
"Sila ay taga Darkville at ayon sa nabalitaan ko ay ipinapahanap rin sila ng Head councilor nila doon na si Henry. Now, I want you to find the two for us to know what could be the reason why Henry is after them."
Nakinig lang ako at hindi nagsasalita. Ang grupo ay nakikinig at isinasaulo ang mga impormasyon. Habang ako ay hindi makapaniwala sa narinig.
Ipinapahanap ni ama ang mga magulang ni Lucas? Bakit? Nagtatago ba ang mga ito? Bakit hindi man lang ipinaalam saakin ni ama? I mean, Lucas is missing. But I didn't know na may ganitong nangyayare sa Darkville!!
Patuloy na nag-usap ang grupo, at ako halos hindi pa rin makapagsalita sa narinig. I wasn't informed, at sa tingin ko kung hindi pa dahil sa sitwasyon na ito ay walang balak si ama o kahit si Tori na ipaalam saakin ang bagay na ito.
"Ipapadala ko ang litrato at ilang impormasyon na makakatulong pa para sainyo. Dalawang araw matapos ang araw na ito ay maglalakbay na kayo." Sabi pa ng Headmistress.
Matapos non ay nag tipon tipon kami ng Warriors sa Training room para mapag-usapan ang misyon na nabigay saamin.
"Are you okay?" Nagtatakang tanong ni Victoria ng mapansin akong halos tulala lang sa gitna ng pag-uusap ng grupo.
I nodded.
"I am. Pagod lang siguro." I lied. Victoria nodded and continued explaining about a certain strategy. Habang ako ay pilit na nakinig.
"We have to stop in different places, ofcourse. Hindi naman siguro mamamalagi ang mag asawang Hillary sa iisang lugar lang lalo na kung alam nilang ipinapahanap sila." Nekessa said. Napatango kami ng makuha namin ang punto niya. Si Dawson ay kunot-noong pinagmamasdan ang litratong ipinadala saamin kanina. Nang mag-angat ito ng tingin ay bahagyang nawala ang kunot ng noo nito at umaliwalas ang mukha. I arched my brow at him before I avoided his gaze.
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...