Chapter 32- Speaker

932 36 0
                                    

H E N R I E T T A

"Henrietta." Napalingon ako kay Nekessa ng tawagin ako nito. Kunot-noo ako nitong tinitingnan na parang nagtataka sa ikinikilos ko.

"What?" Tanong ko. Saka ko lang napansin na nakatingin na pala saakin ng nagtataka ang lahat Warriors. Nasa Dining Hall kami ngayon, for the first time ay sabay-sabay kaming nag tungo dito para sabay-sabay na kumain.

"Dawson's talking to you. Ilang beses ka na niyang tinawag. Okay ka lang ba? Nag i-space out ka these past few days ah." Sabi ni Nekessa. Nang bumaling ako kay Dawson ay wala itong ekspresyon pero mahahalata mo sakaniya ang pagka-irita.

"Okay lang ako." Sagot ko at umupo ng maayos. "Bakit ba?" Tanong ko kay Dawson. Hindi ko naman matagalan ang madilim nitong tingin kaya nagpanggap nalang akong abala sa pagkain sa harap ko.

"You're spacing out. Again." Sabi nito na ikinairap ko nalang. "You can't space out everytime we're talking about missions." What he said made me stopped.

"What?" Nagtatakang pagbaling ko dito. Ngunit mas lalo ko lang yata siyang nainis dahil napansin ko ang pagbuntong-hininga nito.

"We will have our mission. Binigay ni Councilor. Alarcon." Blake said.

"Alarcon? 'Yong muntik ng makaaway ni Mr. Light?" Tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla akong tampalin sa braso ni Nekessa. At parang natataranta namang napalingon ang lahat sa paligid na para bang may mali akong sinabi at ayaw nilang marinig ng iba ang sinabi ko. Habang si Dawson naman ay kunot-noo lang na nakatingin saakin.

"Huwag ka maingay tungkol doon. You're so reckless." Iiling-iling na sabi ni Nekessa.

"What? Totoo naman ah?"

"Shhh! Totoo nga pero walang sino man ang pwedeng makaalam nun!"

I sighed. "Fine." Sabi ko at umirap.

"As I was saying, pinatawag kami ni Blake para sabihin na may ibibigay na misyon si Councilor. Alarcon-"

"Is he even allowed to give us missions?" Pagputol ko sa sasabihin ni Dawson. Dawson looked pissed off. Habang napatampal naman ng sarili niyang noo si Clyde at Nekessa. Nakita ko namang napa-iling si Victoria at may ngisi.

"Fine. I'll shut up." Sabi ko nalang dahil nakita kong masama na ang tingin ni Dawson. His patience shouldn't be tried of. Nakalimutan ko, he's the leader or the captain of this group and I'm just a newbie.

"Everyone who's in the council are allowed to give us missions, Henrietta." Harper said. Tumango nalang ako. Malay ko ba?

"That mission will start after the Ranking Quest." Pagpapatuloy ni Dawson na mukhang pinili nalang na hindi ako patulan. "Kung anong misyon man 'yon ay hindi ko pa alam."

Ang alam ko ay palaging ipinapadala ang Warriors sa mga mission. It's also one of the ways to test their abilities and capabilities. Noon ay nagpapaalam sila saakin kapag aalis sila para sa isang misyon, hindi ko akalain na sa susunod na misyon nila ay kasama na ako. I didn't see this one coming. Lahat naman ng nangyayare ay hindi ko inakala na mangyayare.

Isang oras mula ng magpunta kami sa Dining Hall ay may kaniya-kaniya kaming schedule. Maya-maya pa ang Schedule ko na kasama ang lahat sa grupo para sa Potion and Spell Making namin kay Prof. Trim Light. Mamayang hapon naman ang Training namin kay Prof. Connor after lunch.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now