H E N R I E T T A
"Ano ka ba? Gisingin mo na."
"Baka kung anong gawin saakin."
"Duh? She's nice."
"Nakakatakot siya tumingin."
Nagising ako dahil sa ingay. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko only to see Harper and Nekessa standing beside my bed. Mukha silang nag-aaway.
Marahan akong napa upo ng ayos ng makita si Blake na seryosong nakatingin saakin. Nasa may pinto siya. Umiwas agad siya ng tingin.
"Oh. You're awake!" Masiglang sabi ni Nekessa ng makita ako.
"What are you doing here?" Tanong ko. Napangiwi sila ni Harper.
"Hindi mo maalala?" Gulat na tanong ni Harper.
"Dinner with us, remember?" Nekessa awkwardly laughed.
"Oh." Wala sa sariling nasabi ko. "Right."
Tumingin ako sa suot ko. "Crap." I'm still wearing my uniform. "Mag bibihis muna ako. Can you wait for me?"
Harper and Nekessa nodded. Tumingin ako sa may gawing pinto pero wala na roon si Blake.
"Wait. Where's Felicity?" Tanong ko ng makitang wala sa buong kwarto si Felicity.
"Oh. Your roommate?" Tanong ni Nekessa. "She went to the other room with some girl. Aligaga sila kaya hindi na kami nakapag-pakilala." Bahagya akong napangisi. Baka nasa kwarto ni Leigh si Felicity. Malamang ay na intimidate ang dalawang yun ng magpakita ang tatlo sa hinahangaan nila.
Matapos kong mag bihis at mag hilamos ay agad akong lumabas sa cr. Wala na si Harper at si Nekessa nalang ang naroon habang nakatingin sa bintana. Napalingon siya saakin.
"Your dorm is simple but nice." She stated. Hindi ako umimik.
Pagkalabas namin sa dorm ko ay nakita namin si Harper at si Blake na seryosong nag uusap. Napatigil sila ng makita kami.
"You done?" Harper asked while smiling.
"Malamang. Andito ba kami kung hindi pa siya tapos?" Nekessa said and rolled her eyes.
Inis siyang tiningnan ni Harper. "Huwag kang sabat, Nessa. Hindi ikaw tinatanong ko."
Nekessa stucked out her tounge. Napa iling si Blake na nasa tabi niya at si Harper naman ay inambaang babatukan si Nekessa.
Napansin ko na sarado na ang ilaw ng buong girls dorm. Anong oras na ba? Sa tingin ko ay gabing-gabi na. May curfew pa naman kami kapag nag 9:30 na.
Bawat nadadaanan namin na ilaw ay sumisindi at kapag nakakalagpas na ay namamatay. Ilang metro lang ang layo ay may panibago nanamang ilaw at sunod-sunod pa. It's pretty cool. Sa tingin ko ay lagpas na sa curfew ang oras ngayon. Kapag gabi na at hindi pa curfew ay bukas ang lahat ng ilaw pero ngayon ay nagpapatay sindi nalang kapag nakakadaan kami at nakakalagpas.
"Kanina pa ba kayo sa dorm?" Tanong ko kay Nekessa na nasa tabi ko. Ang dalawang lalake ay nauuna na saamin.
"Bago pa mag 9:30."
"Ba't hindi niyo ako ginising agad?"
Natawa si Nekessa. "Natatakot kasi si Harper na gisingin ka."
Hanggang sa makalabas na kami sa dorm building ay madilim na talaga. Tanging mga lamp post nalang ang naka sindi at mga kulisap na nasa iilang puno. Napako ang tingin ko sa mga umiilaw na kulisap. It looks magical.
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...