H E N R I E T T A
One week hell of training. Halos ang natatandaan ko lang sa one week na lumipas ay nagtraining kami.
May isang araw na nagkaroon ng Duel Fight at si Nekessa ang nakalaban ko. Hindi naman malinaw saakin kung paano ko siya malalabanan dahil illusion ang weapon niya.
"This is unfair." I said as a matter of fact. Naisip ko lang kasi na paano ko siya malalabanan kung nasa loob ako ng ilusyon na gagawin niya?
Tumawa si Nekessa at maya-maya ay naging seryoso ang mukha. Nasa gitna kami ng Special Room at nakabukas ang switch ng barrier kung saan wala kaming makikita kun'di kaming dalawa lang pero ang grupo ay kitang-kita kami mula sa labas ng barrier.
Bigla-bigla ay nabalutan ng makapal na usok ang loob dahilan para hindi ko makita si Nekessa. Dahil sa usok ay napapikit ako ng mariin. Nang buksan ko ang mga mata ko ay tanging hamog nalang ang nakikita ko.
Nanlaki ang mata ko ng narealize na nasa tuktok ako ng tore ng Darkville! Ito ang lugar kung saan palagi akong nagpupunta para matanaw ko ang buong bayan ng Darkville.
Ang pamilyar na lamig ay bumalot sa pakiramdam ko. I missed Darkville, walang duda. Dito totoo ako, dito hindi ako nagpapanggap na ibang tao. Pero sa Darkville, ito ang lugar kung saan nararamdaman ko na mag-isa ako and one thing I am sure of, I don't want this place.
Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya mariin nanaman akong pumikit. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Ang pamilyar na kama ay nakikita ko na, ang mataas na ceiling, ang itim at pula na kurtina at ang book shelves na nakaharap sa kama. Ang kwarto ko. I can still feel the eerie feeling. Bakit ganito? Saka ko lang narealize na walang lugar sa Darkville na gusto kong manatili. Kahit dito sa kwarto ko, ayoko. Pakiramdam ko ay hindi akin ito at pakiramdam ko kailanman ay hindi ako napunta dito. Bakit ganito? Masyado na ba akong nasanay sa atmosphere ng Hurtville?
Nang muli kong naisip na ayoko dito ay pumikit akong muli dahil nakaramdam ako ng panghihilo. Alam ko na ang mangyayare, at sa Darkville pa rin ang ideya ko kung saan ako mapupunta kaya ng buksan ko muli ang mga mata ko ay nagulat ako. Wala ako sa Darkville. Nasa mansyon ako ng mga Light.
Tiningnan ko ang paligid. Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. Bakit ako naririto? Sa lahat ng lugar sa ilusyon na ito ay hindi ko inaasahan na dito ako mapupunta.
Naroon lang ako nakatayo sa harap ng painting ng pamilyang Light. Hindi ako gumalaw. Tinitigan kong mabuti ang painting. Hindi ko nakita ito nung araw na pumunta kami dito, marahil hindi naman kami naglibot-libot. Hindi ko rin alam kung saang parte ito ng mansyon. Tiningnan kong mabuti ang larawan. Nakikita ko kung gaano kasaya si Mr. And Mrs. Light habang karga naman ni Mr. Light ang isang batang babae na sigurado akong si Carrie. Napako ang tingin ko sa sanggol na hawak ni Mrs. Light. Hindi ko namalayan na nakahawak na ako sa painting, tila ba hinahawakan ko ang mukha ng sanggol na babae. Siya ba 'yong anak ng mga Light na nawawala? Ang bunso nilang anak?
I feel like drowning. Para bang namesmerized ako ng sanggol na babae hanggang sa magulat ako ng makarinig ng iyak ng sanggol. Napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ang batang si Carrie na mukhang may tinatawag sa isang kwarto, naghintay ako na lumabas kung sino ang tinatawag ng batang si Carrie pero ng makita kong palabas na ito ay nakaramdam akong muli ng panghihilo. Ramdam ko rin na napaluhod ako dahil sa pag-ikot ng buong paligid.
Once again, nakapikit ako. Nang maramdaman kong tumigil na ang pag-ikot ng paligid ay nanatili pa rin akong nakapikit. Para bang ayoko ng makita pa kung saan ako dinala ng ilusyon ni Nekessa. Naguguluhan ako.
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...