Chapter 6- Mess

1.2K 48 0
                                    

H E N R I E T T A

Napag alaman ko na hindi naman pala lahat na nasa Special group na iyon ay nasa Council ang pamilya. But their family have big responsibilities to the whole Hurtville Nation. Ang pamilyang Light, Crawford, Veralde, Stanley, at Brown lang daw ang mga nasa Councils at ilan sa mga estudyanteng normal lang ang ability. Nagulat ako ng malaman na isa ang parents ni Felicity sa mga Councils. Tinanong ko siya but she only answered with an awkward laughed and "Kaya nga nakakahiya eh." Natahimik kami ni Leigh ng sabihin niya iyon. Nag taka man ako ay hindi na ako nag tanong.

Ang pamilya naman ni Nekessa ay namamahala sa isang malaking organization kung saan binibigyan ng trabaho ng pamilya nila ang mga Hurtery na labas-pasok sa mundo ng mga tao. Kasama rin nila sa organisasyon na iyon ang pamilya ng Special Group.

While Blake's family is the head owner as well as Clyde's. Naalala ko na sabi nga ni Miss. Misselwaith ay pamilyang Davis at George ang namamahala ng Academy. So sila pala ang isa sa anak ng owner.

So inshort, ang Special Group na iyon ay binubuo ng malalaki at maiimpluwensyang mga Hurtery sa buong bayan ng Hurtville.

"Paano niyo nalaman na sila ang next warriors niyo dito sa Hurtery?" I asked. Anong basehan nila?

"Their tattoos. Kapag lumabas ang ability na meron ka, tatatak sa ibang parte ng katawan mo ang simbolo ng Hurtery. Permanente at hindi mo na maaalis. Mismong ang bayan ang pipili sayo. Kapag alam ng bayan na ito na karapat-dapat ka ay mapipili ka talaga. Hindi naman nagkakamali ang bayan sa pag-pili ng warriors."

"Sa henerasyon ngayon, lumabas ang tattoos nila sa wrist nila. Nung nakaraan kase ang mga nasa Councils ang warriors ng henerasyon noon. Sa bandang leeg nila lumabas ang tattoo. Hurtville lang ang may ganitong sistema." Mahabang paliwanag ni Leigh. Parang sumasakit ang ulo ko habang pumapasok sa utak ko ang mga impormasyon. Napaka gulo, napaka misteryoso. That explains the tattoos in their wrist, then.

"Paano kapag may gumaya? That would be possible. Gagayahin nila ang tattoo na iyon at magpapanggap na isang warrior." I said as a matter of fact.

"You can't. That would be possible, yes. But their tattoo is an exception. Ilang beses ng nangyare iyon. Pero nalalaman afterwards at napaparusahan." Natahimik ako sa sinabi ni Felicity.

"Kelan niyo nalaman na sila ang napili?" Tanong ko.

"Bata pa lang ay napalabas na nila ang ability nila. Well except kay Clyde na nung Juniors palang nalaman. Kaya bihasang bihasa na sila sa pag gamit ng ability nila. Kaya bata palang rin sila ay alam na ng lahat na sila nga ang napili." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Felicity. Bata palang? What the heck. Paano ko sila malalabanan kung bihasang bihasa na sila at ako ay wala pang ability na napapalabas?!

One last question. "Bakit hindi niyo alam ang ability ni Dawson? I mean, hindi ba pinaalam sainyong lahat?" Gulong-gulong tanong ko.

Nagkatinginan ang dalawa."Wala talaga silang sinabi tungkol sa type of Dark ability na meron si Dawson. Ang sabi ng mga nasa Councils ay ang grupo niya lamang at ang mga Councils ang nakaka-alam." Felicity answered.

"Napaka misteryoso niya, hindi ba?" Mahinang pagkakasabi ni Leigh. "Pero alam namin na malakas siya. Hindi namin alam kung bakit tinatago ng mga nasa Councils pero nararamdaman namin ang presensya ni Dawson. He's really strong. Base palang sa galaw niya, sa pananalita, sa authority, sa titig. Kaya nga natatakot kami kahit hindi pa namin alam ang ability niya."

"At hindi namin alam kung kelan nila balak sabihin." Felicity said.

Nanahimik ako at pinagmasdan si Dawson. Ang marahas niyang galaw. Ang kulay ash gray niyang buhok na para bang lagi niyang ginugulo dahil naka-kalat pa ang ilang hibla sa noo niya. Well, it suits him, actually. Bagay sakaniya dahil maputi naman siya.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now