Chapter 14- Forbidden Forest

1K 44 1
                                    

H E N R I E T T A

Sabado ng umaga ng nasa kama lang ako at nakahiga habang nag-uusap si Leigh at Felicity sa kitchen table.

"I heard from my dad na malubha raw ang lagay ni Dawson."  Felicity said.

"What?" Gulat na tanong ko. What happened? Mukha namang nagulat ang dalawa sa naging reaksyon ko. Maging ako ay natigilan. Kanina ay nag-uusap sila pero tahimik lang naman ako, marahil nagulat sila sa biglaan na pag-singit ko.

"Napalaban raw si Dawson sa maraming kalaban roon. Kaya naging malubha ang lagay niya. Kailangan nga ay makabalik agad sila dito galing sa paglalakbay. Baka bukas ay naririto na sila." She explained.

"Siya lang ang malubha ang kalagayan? What about Victoria? Nekessa? Clyde? Si Blake, si Harper?" Sunod-sunod na tanong ko. May bahid ng pag-aalala akong nararamdaman sa nangyare. 

"Walang nasabi si dad kagabi ng tumawag si mommy. Narinig ko lang kasi na nag uusap-usap ang ilang councilors sa background niyon at pinatay na agad ni mommy ang tawag." Felicity answered.

"Don't worry, madalas talaga silang napapalaban galing sa misyon. It's a mission, after all." Leigh said. Natahimik naman ako at marahang napatango. I shouldn't have acted like that.

"Ang ipag-alala mo ay ang mangyayare mamaya sa forbidden forest." Sabi ni Felicity. Natigilan ako sa sinabi niya at napa buntong hininga. Ilang besed na ba nila akong napag-sabihan simula ng pumayag sa deal na 'yon? 

"Pwede ka pang humindi, Henrietta." Leigh said. Umiling ako. No. Hindi ko babawiin. Para saan pa? To experience hell everyday? No, I won't give them the satisfaction.

"It's already fixed. May deal na." Sabi ko.

"Pero Henrietta, delikado ang Forbidden forest. Kaya nga forbidden, dahil pinagbabawalan kami roon. Iyon ang pinakamahabang gubat na dadaanan bago ka makalabas ng Academy at maraming ligaw na hayop and mga mysterious creature roon." Said Leigh. As if na hindi ko alam. Nung araw palang na nagkaroon kami ng deal ni Blair ay sinabi ko na sakanila at halos araw-araw nila akong pinapaalalahanan. But I won't back out. That's the last thing I would probably do.

"Henrietta, please. Huwag kang pumunta mamaya." Felicity almost pleaded. Tiningnan ko lang ang mata nila na puno ng pag-aalala bago muling nagbuntong hininga.

"I'll be fine, girls." I assured them. Napabuntong hininga sila dahil alam nila na wala silang magagawa sa desisyon ko. Hindi nila mababago ang ano mang desisyon na nagawa ko na.



Buong mag-hapon akong nag stay sa dorm ng araw na 'yon. Paminsan-minsan na bumababa ang dalawa kaya ng oras ng tanghalian ay dinalhan nila ako ng makakain. Mga instant foods nalang kasi ang naririto sa dorm at hindi mo matatawag na tunay na pagkain. Well, if there's a thing.

Habang lumalapit ang oras para pumunta sa usapan namin ni Blair ay bahagya rin akong nakakaramdam ng kaba. I can't help but to think of Felicity and Leigh's face while forcing me not to go. Anong meron sa Forbidden Forest na iyon? Kung daan iyon palabas sa Academy, hindi ba delikado ang Academy kung may mga mysterious creature at ligaw na hayop roon? Unless the mysterious creature will only stay in it's own place? Tama. May barrier rin siguro for animals and different creatures roon.

Kung tama ang sinasabi nila na way din iyon palabas ng Academy, isa lang ang ibig sabihin nun; magagamit ko iyon laban sakanila. Wala pang nakakapasok roon na estudyante rito, ayon sakanila at malalaman ko kung ano ang meron dun. It would be something dangerous or it would be possibly nothing. Iyon ang aalamin ko.



Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now