H E N R I E T T A
Saktong isang linggo ko sa Academy. I can't believe na nakatagal ako rito ng isang linggo with a lot of trouble I did these past few days.
Nakahiga ako ng umagang iyon sa kama ko at nakatulala lang sa kisame. Kamusta na kaya ang Darkille? Ang huling sulat ni ama ay nung thursday pa. Fourth day ko nun sa Hurtville. Sinunog ko pa ang letter na iyon dahil baka makita pa ni Felicity- mahilig pa naman siyang mag linis ng kwarto kahit na nililinisan naman ito ng mga school cleaners every three days.
"Bakit nakapantulog ka pa, Henrietta?" Nagtatakang tanong ni Felicity na kalalabasa palang ng cr saktong bumukas ang pinto ng dorm. Leigh smiled and waved at us. Naka enter na siya sa door lock kaya nakakapasok siya dito kahit kelan niya gusto.
"May lakad kayo?" Tanong ko ng mapansing nakabihis sila panlabas.
"Tayo. May lakad tayo. Sasama ka saamin." Felicity said emphasizing the word 'tayo'.
I groaned. Ayoko!
Tinakluban ko ang sarili ko ng kumot at narinig ko ang daing nila.
"Hey. Henrietta, get up." Leigh said.
"Linggo ngayon, we should make fun." Felicity said.
Hinila nila ang kumot ko at agad ko silang tiningnan ng masama.
"Na-ah. Hindi mo na kami matatakot sa tingin mo, Henrietta. Kaya get up and prepare yourself." Sabi ni Felicity at hinila-hila pa nilang dalawa ang braso ko.
I rolled my eyes.
As if naman na tinatakot ko sila. I don't even intend to.
Wala na akong nagawa. Nakita ko nalang ang sarili ko na naliligo at nag bihis ng normal na damit.
"Saan nanaman ba tayo pupunta?" Inis na tanong ko sa dalawa habang naglalakad na kami palabas ng dorm building.
"Come on. I want to sleep the whole day. Kahapon ay pumunta na tayo sa school garden ah." Pagpupumilit ko pero nakahawak pa rin sila sa magkabilang braso ko.
Kahapon kasi ay inaya din nila ako na sumama sakanila. I was supposed to sleep the whole day but they're too naughty. They won't stop hangga't hindi nila ako napipilit.
Nanood kami sa mga cursed maker and potions maker kahapon sa school garden buong mag hapon. Wala namang problema dahil may mini cafeteria malapit roon. The funny thing is hindi naman mukhang mini iyong cafeteria. Tss.
Kinagabihan noon ay sinundo ako ni Clyde at Blake para pumunta sa special room nila para sa training. Mag nalalapit kasi silang mission kaya nag hahanda sila kagabi. Well, Dawson wasn't there so I had a peaceful time with the group. Kug nasaan siya? Believe me, I don't care.
Nakarating kami sa school training ground. Umupo kami sa isa sa mga bleachers doon at nasa magkabilaang gilid ko pa rin si Felicity at Leigh.
Napansin ko na maraming estudyante pa rin ang nakatambay dito. May grupo ng mga estudyanteng lalake na nag-lalaro ng bola. If I am not mistaken, soccer ang nilalaro nila.
"May normal pa rin palang ginagawa dito?" Namamanghang tanong ko.
"Yup. Tuwing linggo ay free game sila. Mga normal na laro. Katulad ng mga basketball, volleyball, badminton, swimming at iba pa." Sabi ni Leigh at biglang tumili para i-cheer ang pangalan ng isang lalake na sa tingin ko ay crush niya. Napatawa lang ako ng bahagya sa ginawa niya.
Maraming estudyante ang naririto. Maraming grupo ng mga babae and I even saw Blair's group and Tricia's group cheering for some men na nag lalaro ng soccer. Napa iling ako, pwede silang maging flirty cheerdancers.
![](https://img.wattpad.com/cover/147785355-288-k975800.jpg)
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...