H E N R I E T T A
"Malayo pa ba tayo?" Seryosong tanong ko. Napapagod na ako. Halos ilang minuto na kaming naglalakad. Sinusundan pa rin namin ang sinadyang daan na para bang wala ng katapusan.
"Malapit na tayo, iha." Sagot ni Lady Louissa. Nag buntong hininga ako. Ilang beses na niya yan sinabi saakin kahit hindi ako nag tatanong. Ano ba ang malapit sakaniya? It's like we're walking in the middle of nowhere.
Tumahimik nalang ako. Iniisip ko kung sino ang babaeng ito. Imposibleng Darkery siya dahil ang sabi ni ama ay Hurtery ang binilinan niya saakin. Why is she helping us? May atraso ba ang mga Hurtery sakaniya? Or perhaps may utang na loob sa ama ko?
Tumigil kami ng dead end na. Wala ng daan dahil puro kakahuyan na ang nasa harap namin.
"Andito na tayo."
"What? Dito?" Kunot-noong tanong ko. Nilibot ko ang paningin ko hoping to see a possible way pero wala. Puro kakahuyan lang. Niloloko niya ba ako?
"Kailangan nating pumasok sa barrier. Hindi ito basta-basta napapasukan ng kahit sino. Pero dahil Hurtery naman ako ay makakapasok tayo. Marami din pumu-protekta sa barrier na ito dahil ayon sa mga Council ay hindi rin maituturing na proteksyon ito dahil may mga kalaban rin na nakakapasok."
"May mga rumuronda dito. Buti ay hindi kayo nahuli kanina." Paano kami mahuhuli? Ibinaba ako ng driver sobrang layo pa pala dito.
"Maaari bang tumalikod ka muna? Nang maisagawa ko na ang chant para makapasok agad?"
"Bakit?" Hindi ko mapigilan na itanong.
"Pasensya na Henrietta. Isa akong Hurtery. Mahal ko ang bayan ko. Ayaw kong mailagay sila sa kapahamakan." Seryoso niyang sabi. Humalukipkip ako at tiningnan lang siya.
"You love Hurtville and your people? Yet you're helping my father na isang Darkery. Hindi ba wala na ring pinagkaiba iyon kung ipapaalam mo saakin kung paano makapasok sa barrier niyo?" Natigilan siya as I stared at her deeply.
"You're still a traitor at hindi mo iyon mababago." I added. Napayuko siya. Maya-maya ay pagod ang mata na tumingin siya saakin. Napa kurap-kurap ako habang nakatingin sakaniya. I suddenly felt guilty.
"Hindi ko tinutulungan si Henry, Henrietta. Ikaw.." Mariin na sabi niya.
"Ikaw ang tinutulungan ko."
I pressed my lips hard. Tumalikod na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan. She's giving me reasons to think about nonsense. Kung ano-anong sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan.
"Maaari ka ng humarap." Ilang segundo pa ay sabi niya. Inis na humarap ako. Hindi ko alam kung bakit mabilis akong mairita ngayon. Hindi naman ako ganito noon. Maybe because I know that the woman here infront of me is one of my enemies.
"Papasok tayo dito sa invisible barrier."
She held my hand. Gusto ko man alisin ay hinayaan ko nalang. Nang humakbang kami ay isang malamig na bagay ang tumama sa buong katawan ko bago nakarinig ng ingay.
Natulala ako. May iilang sasakyan ang dumadaan. May mga nakaparada sa mga gilid na iba't-ibang mamahalin na sasakyan. May maaayos na tindahan. Malalaki at magaganda ang bahay. Malinis ang kalsada. May magagandang puno at mga halaman! Maraming lamp post sa mga tabi-tabi na nagsisilbing liwanag sa gabi at maiingay ang mga tao. Masasaya sila at buhay na buhay ang buong bayan! Ito ang bayan ng Hurtville!
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...