Chapter 15- Black Rose

1K 41 1
                                    

H E N R I E T T A

I don't exactly know how many hours I spend myself walking. Nasa gitna raw ng gubat na ito ang black roses na gustong ipakuha saakin ni Blair. At wala pa ako nakikitang kahit isa man lang na rosas. That means I'm not yet in the middle. Napakalawak naman pala ng gubat na ito, damn it.

Maingat pa rin akong naglalakad sa madilim na gubat. I might wake up dangerous creatures and that's the last thing I want to deal with. Mga maliliit na sanga at mga tuyong dahon ang natatapakan ko. And it gives me an eerie feeling. Creepy, indeed.

Nahinto ako ng makarinig ng kaluskos sa isang malaking puno sa hindi kalayuan saakin. Naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid.

Nakarinig muli ako ng kaluskos. This time mas malinaw na kaya naman hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling mapalaban ako. I can't risk my safety.

Napabuga ako ng malalim na hininga ng lumabas mula roon ang isang maliit at puting-puti na kuneho.

"Damn." I hissed. May kuneho pa pala dito? Nilapitan ko ang kuneho ngunit lumayo naman ito. "You scared me." Inis na sabi ko. Para namang magsasalita pabalik saakin ang kuneho? Nababaliw na yata ako.

Nagsimula muli akong mag-lakad ng mas maingat. Ano kayang meron dito sa gubat na ito? Mula kanina ay wala pa namang nagpapakita na misteryosong nilalang. Baka naman sinasabi lang nila iyon para walang makapunta rito sa gubat.

Ilang minuto pa ay nakakita ako ng tila nagliliwanag na bagay sa hindi kalayuan. Malaking parte iyon at nagliliwanag talaga kaya naman tumakbo na ako palapit roon.

Fvck. I saw the roses. It looks magical! Napaka ganda at nagliliwanag tila may mga alitaptap na nakapaligid roon. I was mesmerized na hindi ko namalayan na lumapit ako roon at tinitigan sila ng mabuti. Itim na itim sila at talagang nagliliwanag.

I was mesmerized, unti-unti kong inangat ang braso ko para maabot ang isang rosas malapit saakin.

The magical feeling suddenly vanished the moment my hand touches the black rose's stem. Parang nawalan ako bigla ng lakas at nakarinig ako ng iba't-ibang tunog. Masakit sa tenga at parang pinapasok ang loob ng katawan ko! Ang sakit sa tenga!

Nabitawan ko rin ang rosas saka ko lamang napansin na nalanta iyon. Napaluhod ako. Damn it! Anong pakiramdam ito?! Parang hinihigop ang senses ko!

"Henrietta?" May kung sino ang tumawag saakin habang naka-upo na ako at tinatakpan ang magkabilang tenga. But I stayed still habang nakapikit ng mariin.

"Henrietta! Shit."

Bago pa man bumagsak ang ulo ko ay may kung sino ng nasa likod ko para alalayan ako. Unti-unti kong minulat ang mata ko.

"L-Lucas?" Anong ginagawa niya rito?

"Anong nangyare sayo?" He asked worriedly. Pero wala na ako sa katinuan para sumagot. Napamura siya, siguro ay nakita ang mga lantang rosas.

"What the fvck, Henrietta? Hinawakan mo?" Sunod-sunod muli siyang nagmura. Wala na akong lakas at para bang may kung ano sa sistema ko na hindi ko maramdaman. Bakit ganon reaction niya? May ideya ba siya sa nangyayare? 

The next thing happened before I passed out, dumating siya.

Dumating si Dawson.

Fvck! Lucas!

"N-no."

Napamulat ako. My energy feel so drain. Parang pagod na pagod ako. I looked around. Pamilyar na interior agad ang bumungad saakin. Nasa kwarto ako ni Victoria.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now