N E K E S S A
"I can't believe this. Paano nangyareng may makakapasok na soul eater sa loob ng dimensyon? At saan nanggaling iyon? That's a total disaster." Victoria said. Katatapos lang ipaliwanag ng Headmistress kung ano ang nangyare sa loob ng dimensyon. Ipinatigil ang Quest dahil roon.
Kasama ko si Carrie na makabalik kami sa dimensyon. She told us she was with Henrietta bago siya nagpasiyang umalis para makahanap ng kagrupo. Nang makita ko ito ay nagsama kaming dalawa bago pa man ianunsyo mula sa labas ng dimensyon na ipatitigil ang game.
Nasa labas na kami ng dimensyon ng malaman namin ang nangyare.
"This is a serious disaster. Magpapatawag kami ng meeting para sa mga personalities at parents para mapag-usapan ito. Siguradong malalagay sa alanganin ang pangalan ng Academy kapag hindi ito maayos na naimbestigahan." Headmistress said.
"Well that's for sure! Bakit ba kase may nakapasok roon? Imposibleng may makapasok roon dahil mahigpit naman ang pagbabantay ng mga tauhan ni Prof. Trim." si Blake na ngayon lang nagsalita simula kanina ng magtipon tipon kami.
"Students.. Don't worry, we'll figure this out. Sa ngayon ay bantayan niyo si Henrietta. I'll call her aunt to inform her." Prof. Connor said. Napatango nalang kami.
Maya-maya lang rin ay umalis na kami roon at dumiretso na sa school clinic. Nang dumating kami roon ay natutulog pa rin si Henrietta.
Victoria elbowed me.
"What?" Tanong ko rito. She pointed somewhere, ng tingnan ko iyon ay naroroon sa sofa si Dawson, nakasandal at nakapikit. Napataas rin ang kilay ko sa nakita.
"Dawson don't usually stay for a long time just to take care of someone." Carrie beside me mumbled. Nagkatinginan kami ni Victoria dahil roon.
"H-Henrietta is not just someone. She's more than that." I said. Mukha namang natauhan si Carrie sa sinabi niya.
"Ofcourse. Yes. I understand. I didn't mean anything wrong." Carrie immediately said and awkwardly smile. Tumango nalang ako at lumapit kay Henrietta.
"Sobrang lapitin niya sa disgrasya." Sabi ko habang umiiling. Since day one, she always gets into trouble. Saksi ata ako sa lahat ng gulo na napasok niya, maaaring hindi ang maliliit na gulo pero naging saksi pa rin ako sa malalaking gulo na katulad nito. It's like she's a trouble magnet.
"Buti walang nabiktima na iba ang soul eater." Victoria said.
"Kung ganon, bakit si Henrietta ata ang agad na pinuntirya? Imposible na naroroon ang soul eater at wala man lang nabiktimang iba bukod kay Henrietta." I said.
"It's impossible if someone didn't lead the soul eater to a specific person." Blake said, seriously. Napakunot ang noo ko sa narinig.
"What do you mean?"
Blake shooked his head, and slightly smiled. "Nothing."
Nabigla kami ng marinig na nagmura si Dawson. Sabay-sabay kaming bumaling sakaniya kasabay ng pagtayo niya at walang paa-paalam na umalis sa kwarto.
Carrie excused herself as well and followed Dawson. Tahimik kaming nagtaka sa inasal ni Dawson pero ipinagsawalang bahala nalang namin ang bagay na iyon at pinagmasdan ang natutulog na si Henrietta. Buti nalang ay hindi nakain ng soul eater ang katauhan ni Henrietta, but it was almost according to what I heard. Buti nalang ay dumating si Dawson. I have no idea what he did to saved Henrietta. Buti nalang ay siya ang nakakita, dahil ang ability nito ay kapareho ng soul eater, a dark magic, illegal one.
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...