Chapter 34- Regret

912 42 8
                                    

H E N R I E T T A

May isang araw din na ang training ko ay kasama si Dawson. Napapansin ko nitong mga nakaraan na araw na madalas na siyang ngumisi. Madalas niya na rin ako inisin kapag kaming dalawa lang ang magkasama, minsan naman ay parang iritado ito lagi saakin na ultimo isang pagkakamali ko lang sa training ay maiinis na ito at pagagalitan ako. Nakakainis, napaka-bipolar ng Crawford na 'to.

Iiling-iling niyang pinatay ang Dimensional Illusion at inis na nakatingin saakin. Siguro ngayon ay alam niyo na kung ano ang mood niya ngayong araw.

"Ang bagal mo." Sabi niya. Tinutukoy ang ginawa naming pagpapatumba ng mga puno bago niya naisipan na patigilin ako dahil ang bagal ko raw.

Naiirita ko rin siyang tiningnan. "Kasalanan ko ba na pine-pressure mo ako?" Inis na tanong ko.

"I'm not pressuring you. I'm just testing your speed." Sagot naman nito.

"Talaga?! Kaya pala halos patayin mo na ako sa tingin sa tuwing natatagalan ako sa isang puno!" Reklamo ko dito.

"Now you're admiting it. Mabagal ka."

"No! Wala akong sinabi."

"This is useless." Iiling-iling na sabi nito. Moody talaga ang isang 'to! Minsan ay malakas ang topak na inisin ako, ngayon naman ay iniinis niya ulit ako at the same time pinapagalitan.

"Teka nga! Bakit ba palagi nalang ako ang tine-test mo?" Tumaas ang kilay nito saakin. "We're supposed to be partners, remember? Bakit parang ako lang ang nate-test mo dito?"

"We're done for today." Sabi nito at tinalikuran ako ignoring the last thing I said. Napapikit ako dahil sa inis, halata naman na ayaw niya lang na gamitin niya ang ability niya. Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan sign na nakalabas na siya.

Inis na inayos ko nalang ang gamit na dala ko.

"Kalma lang." Narinig kong sabi ni Clyde. He's with Blake. Kadarating lang ata dahil wala naman sila dito kanina.

I blowed a loud breath. "He's annoying." Naiinis na sabi ko.

Humalakhak si Clyde. "I knew it. Nagbangayan nanaman kayo. Nakita ko si Dawson na badtrip rin ng lumabas." Sabi niya.

"At siya pa ang badtrip?" Mas lalo akong nainis. "Eh siya nga itong ako nalang lagi ang tine-test! We're partners, I should also make him train his ability." And I also want to know what his power could do.

"Hayaan mo nalang siya. He doesn't really train his ability with someone. Laging mag-isa siya kung magtrain kapag ability na ang pinag-uusapan." Clyde said. Tahimik naman si Blake sa tabi niya na sanay na rin naman ako. He's really the quiet-type.

Umirap nalang ako.

Sa sunod na araw ay hindi ko talaga iniimikan si Dawson. Kahit sabay-sabay kaming kumain sa Dining Hall ay tahimik lang ako sa tuwing si Dawson na ang nagsasalita. Puro tango, iling lang ang sinasagot ko sa tuwing may tinatanong siya. I am really annoyed as hell.

Paminsan-minsan ay nakikita ko na sumusulyap ito saakin pero hindi ko talaga siya inimikan. I tried to read his mind tutal kaya ko naman 'yon, but I think my ability doesn't work to someone who's holding a Dark Magic kaya hindi ko siya mabasa.

Hanggang sa kinabukasan ay ganoon pa rin, I am obviously letting him see how annoyed I am.

"Hey." Sa wakas ay siya na mismo ang unang pumansin saakin. Because I don't really have any plan to talk to him, kahit pa may training kami mamaya.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now