H E N R I E T T A
The next day, it was Mrs. Light's birthday. Katulad ng napag-usapan ay sa mansyon nga ng mga Light kami tumuloy matapos ng party kagabi sa plaza.
Pinagmasdan ko mula sa veranda ng kwartong tinuluyan ko ang abalang mga kasambahay ng mga Light sa baba. Inaayos nila ang pool area at ang garden area dahil doon nila balak i-celebrate ang party mamayang gabi. Masyadong malawak ang pool area nila at ang garden kaya hindi na ako magtataka.
I sighed heavily, pumasok nanaman sa isip ko ang nangyare kagabi. Napahawak ako sa labi ko, hindi pa rin makapaniwala.
I kissed Dawson. I kissed him back. We kissed.
That wasn't supposed to happen. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Pakiramdam ko ay mas lalo lang naging komplikado ang sitwasyon. Hindi ko dapat hinayaan mangyare ang bagay na 'yon.
Naglakad ako papasok sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama. Wala sa sariling nakatulala lang ako sa ceiling. Hindi malinaw saakin kung paano kami nakabalik sa table, basta ang natatandaan ko lang muling bumalik ang party song kaya kinailangan na namin bumalik sa table. After non, hindi na ako masyadong nagsalita at ganon rin siya.
I closed my eyes hard. That was so stupid, Henrietta! Hindi dapat nangyare 'yon! You're complicating things even more. I know my feelings for Dawson isn't just a mere attraction, it is much deeper than that and I've already admitted it the moment I have realized it. I didn't took it as a problem, I didn't even pay much time to think of it because I thought I knew my limit. I never thought I would go beyond that. He already broke my walls when I let myself feel unecessary attraction for him but I never thought he'd break my wall like that even more.
Bumaling ang tingin ko sa gilid, may nakasabit na cream long gown sa cabinet na gagamitin ko para mamaya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at lumapit roon para tingnan ng mas maayos.
Mrs. Light gave this to me awhile ago. After our heavy meal, iniwasan ko nang manatili pa sa baba dahil bukod sa abala naman ang mga tao at pasikot-sikot sa buong mansyon ay iniiwasan kong makasalubong si Dawson. Kaya nagtungo agad ako sa kwartong 'to at pinili nalang dito tumambay. Nekessa wanted me to stay with them, ililibot raw ako sa buong mansyon pero tinanggihan ko iyon sa kagustuhang maka-iwas kay Dawson.
I sighed as my hand went to the elegant long gown in front of me. May slit sa gilid nito hanggang sa may hita, long see through sleeves, may ilang ruffles roon at may mga detailed design. And for fucks sake, backless. Kitang-kita nanaman ang likod ko sa gown na ito.
Ayaw ko sanang ganito ang suotin ko pero ayaw ko naman tanggihan si Mrs. Light. Lalo na nang makita ko nanaman ang maliit na ngiti nito nang pagbuksan ko ng pintuan kanina.
"May I come in?" She sweetly asked.
Gulat pa ako ng ilang segundo bago tumango at mas nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok siya at doon ko lang napansin na may hawak siyang long gown na inilapag niya naman sa kama.
Inilibot niya ang paningin sa kwarto.
"I hope you're comfortable here." Sabi nito at tumingin saakin.
I slightly nodded. Hindi niya naman kailangan pang mag-abala para tingnan ang kalagayan ko dito, maayos naman talaga ang kwarto, mas maganda pa nga sa kwarto ko sa Dorm namin nila Felicity.
"Happy Birthday po." Pagbati ko rito.
She smiled at me sweetly. "Thank you, dear."
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...